Entertainment press, nganga sa presscon ng movie nina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, at AlDub

ADVERTISING

Entertainment press, nganga sa presscon ng movie nina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, at AlDub

Ai-Ai-delas-Alas-Vic-Sotto-Maine-Mendoza-Alden-RichardsDahil minsan  lang naman sa isang taon ang Pasko, pakunsuwelo na lang ‘ika nga para sa entertainment press na maambunan ng ekstrang biyaya mula sa mga pa-raffle ng mga pangunahing artistang kabilang sa mga opisyal na kalahok ng Metro Manila Film Festival.

ADVERTISING

Kadalasan kasi, hindi lahat ng mga inimbitahang press sa presscon ng isang MMFF entry ay umuuwing may ngiti sa kanilang mga labi mula sa raffle.

Sa kasagsagan ng kaliwa’t kanan at sunud-sunod na presscon ng mga MMFF entries over the week, iilan lang sa mga ito ang nagpa-raffle, pero ang tila mas napansin ng press ay, “’Yung movie nina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas at AlDub, wala raw pa-raffle?”

May kasama kasing awe o pagtataka why the event was lackluster if only for the absence of raffle, lalo’t ang bumubuo ng cast ng pelikula ng dalawang pares are today’s top TV commercial endorsers most specially the AlDub tandem.

ADVERTISING

Ang pagpapa-raffle—ayon sa kapaniwalaan—ay isang pasuwerte.

Sabi nga ng isa aming Chinese friend who believes in getting luck by spreading luck, “Huwag kang kain nang kain… tumae ka rin!”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING