Enrique Gil: the coño boy who captures the heart of the mass

ADVERTISING

 

Enrique Gil: the coño boy who captures the heart of the mass

Enrique Gil: the coño boy who captures the heart of the mass

BLIND ITEM: Nakatanga lang kami habang nagkukuwento ang aming source. Nakatanga kami, kasi hindi namin ma-imagine na ‘yung hinhin at amo ng mukhang ‘yon ng young actress, naghahabol sa lalaki?

Kasi, nu’ng nagkaroon sila ng series of shows abroad ng isang hunk actor ay doon pala medyo nag-”harot mode” ang young actress.

ADVERTISING

Paano?

‘Eto na, eh ilang cities ‘yung kanilang pinuntahan kasama ang iba pang artista. Pero juice ko, talo pa ni young actress ang mga kaluluwa sa pagpaparamdam na gusto niyang “magpatikim” sa hunk actor, nakakalokah.

“Kung anu-ano nang pag-aasikaso ang ginagawa niya sa guy during the tour. Pero kahit ‘yung ibang kasamahan, nararamdaman na rin nila, eh.

“Eh, ‘di ba, merong dyowa ‘yang young actress na ‘yan? Ba’t lumalandi pa? Alam mo kung mahilig lang talaga sa babae ang hunk actor, pinagbigyan na niya ang young actress, eh.

“Kaso, kilala nu’ng guy ang boyfriend niya, kaya hindi niya pinatos. Saka kahit walang dyowa ang girl, eh hindi para patusin niya rin ito, dahil ang laging iniisip ng aktor, me mga ka-patid din siyang babae.

“Dahil noon pa, katuwiran ng hunk actor, ‘pag nahuli niya ‘yung mga bayaw niya na me iba, magagalit talaga siya. Eh, si Hunk Actor, have din ng dyowa, ‘di ba? Kaya nakakatuwa ‘yung lalaki, kasi, hindi na para i-brag niya to everybody na nilalandi siya ng young actress!”

Sumumpa pa ang aming source na totoo ang kanyang kuwento at hindi siya nag-iimbento. “Kung iba-blind item mo, laliman mo lang ang clue, ha? Para ‘pag nabasa niya, magsilbing warning na sa kanya.

“Na ang kalandian ay may kakambal na kapahamakan! Juice ko, mare, hindi ba siya kuntento sa dyowa niya? Ba’t naghahanap pa siya ng iba eh, kahit sinong bakla, gustong hadahin ang dyowa niya!”

Hahahaha! Hay, nako, ewan ko. Basta hanggang ngayon, tulala pa rin ang byuti namin, dahil kilala talaga naming napakasimpleng babae ng young actress na kahit saan namin makita ay marespetong bata.

 

PAGKATAPOS NG OVER sa success at unkabogable concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum last July 1, heto’t hindi pa rin nagpapahinga ang lola n’yo, dahil bukod sa araw-araw na Showtime at once a week taping na Gandang Gabi, Vice! na laging pumapalo sa top ten trending topics sa Twitter, heto’t promote-to-death naman siya ng kanyang album na Vice Ganda: Lakas Tama.

Kalalabas pa lang, nag-number 6 na siya sa tindahan ng mga Odyssey record bars at kung saan-saang FM radio stations siya nagpo-promote ng kanyang album.

“Sana, bumili na sila ng album ko, P250 lang isa. Kung bibili sila ng dalawa, P500 lang!” patawa pa ni Vice.

Tatapusin na rin niya ang kanyang shooting ng movie nila ni De-rek Ramsay, ang Private Benjamin (working title pa lang) under Viva Films and Star Cinema.

At abangan ninyo ang paglabas niya bilang hair stylist sa 100 Days to Heaven na inapi-api ni Anna Manalastas.

“At ‘yung I Dare U na nalokah talaga ako du’n sa ginawa ko, kaya iyak ako nang iyak!”

 

MY GOD! ANG lakas pala ni Enrique Gil sa masa, huh! Napatunayan namin ito nang isama namin siya (with Marissa Sanchez) sa Pinyasan Festival ng Daet, Camarines Norte.

Juice ko, ang lakas pala ng Kapamilya Network doon, kaya kilalang-kilala nila si Michael ng Mula Sa Puso at Troy ng Good Vibes.

Mukhang coño itong si Enrique, pero ‘pag nasa stage na siya, aba, ang bruho, binubuhat ang mga babaeng makasama sa stage, kaya kilig na kilig naman ang mga kadalagahan ng Daet.

Ang buong akala nga sa backstage ni Enrique ay hindi siya titilian, dahil naubos na ni Marissa Sanchez ang tawa ng mga audience. Lalo na’t isa ring mahusay na singer si Marissa na ang sabi nga ni Enrique sa kanya, “Ba’t hindi ka nag-ASAP, tita? Mas maganda pa ‘yung boses mo kesa du’n sa iba?”

Pero nu’ng lumabas na si Enrique, aba, nagreserba lang pala ng tili ang audience, kaya ginanahan si Enrique at dalawa ang inawit imbes na isa lang.

Sabi namin sa kanya, next time, kukunin namin siya uli, dahil hindi maarte, masarap kasama at cowboy.

At higit sa lahat, stripes na may pink ang kanyang underwear. Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING