Enrique Gil, tanging kay Liza Soberano lang kinagat ng fans ang loveteam

Enrique Gil, tanging kay Liza Soberano lang kinagat ng fans ang loveteam

Enrique-GilSA LAHAT ng naging leading lady ni Enrique Gil, tanging si Liza Soberano ang totoong kinagat ng mga fans para maging ka-loveteam niya. Nagsimula sa Forevermore na sinubaybayan ng manonood, at ngayon nga sa bago nilang pelikulang Just The Way You Are, siguradong mai-in love sila sa kanilang idolo. Bawat eksenang kukunan ni Theodore Boborol kina Liza at Quen ay binubusising maigi ng director. Gusto niyang makita kung may kilig ito sa mga fans. Dapat daw sila muna ng buong production staff ang kiligin para maging effective ang scene sa manonood.

Ang maganda raw kina Liza at Enrique, walang arte. Ibinibigay ng mga ito ang hinihingi ng eksena. “Bago naman namin kunan ang scene, tinatanong ko sila kung komportable sila. Open naman ako sa suggestion, everytime na may scene na kukunan, nag-uusap kaming tatlo. Tinatanong ko sila kung okay sa kanila. Ang gaan nilang katrabaho, in every scene, ibinibigay nila ang best. Napaka-natural nilang umarte, happy ako dahil relax na sila sa isa’t isa. Maraming nakaaaliw na eksena, kung hindi mo sila kilala nang personal sasabihin mong mayroon silang relasyon. Nakagagawa nilang makatotohanan ‘yung character na pino-portray nila on the big screen. Sa dami ng kilig moment nina Liza at Quen, super mag-i-enjoy ang kanilang mga fans,” pahayag ni Direk Theodore.

Bilib si Direk Theodore sa working relationship nina Liza at Enrique dahil napaka-professional ng mga ito. Always on time sa set at ready for take. Alam kasi nila ang responsibility ng isang artista. Marami silang natutunan kay Direk Cathy Garcia-Molina  na siyang nag-direk ng Forevermore. Forever greatful sina Liza at Enrique sa rom-com queen.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield