Enrique Gil, relax nang mag-I love you kay Liza Soberano

ADVERTISING

Enrique Gil, relax nang mag-I love you kay Liza Soberano

Enrique Gil, relax nang mag-I love you kay Liza SoberanoKung si Anne Curtis ay deadma sa isang Justin Bieber nang magtangka ang international singer na makuha ang contact number ng dalaga, si Liza Soberano, kinikilig naman sa singer and want to know more of Justin and in person.

Pero alam n’yo ba si Justin ay isa sa followers ni Liza Soberano sa kanyang social media account?

Yes, kilig na kilig si Liza nang mabanggit ni Vice ang ganap ni Anne nang mag-guest ang dalaga with Enrique Gil para sa promo ng kanilang new romance-serye sa Kapamilya Network na “Dolce Amore” na nagsimula na last Monday evening na sa unang episode pa lang ay hit na sa panlasa ng manonood.

Crush pala ng dalaga si Justin na for sure ay may selos factor si Quen na ayaw lang ipahalata ng binata.

ADVERTISING

Last Sunday na-sorpresa si Liza sa Valentine’s Day gift ni Quen sa kanya. Isang cute na Shih Tzu puppy na matagal na palang gustong magkaroon ng dalaga.

Dahil may allergey si Liza sa aso, si Quen ay nag-effort na makapaghanap ng isang “hypo-allergenic” na puppy para hindi magka-allergy ang dalaga.

Ang puppy na pinangalanan ni Quen na Mickey the Monkey ay five months old.

Sa Valentine’s gift ni Quen kay Liza, may kalakip na mensahe ang binata sa dalaga: “Hi Baby Hopie. I hope you’ll like your gift. I know you’re going to love your gift. This is Baby Monkey and he is going to make you happy whenever you’re sad. I love you. Happy Valentine’s Day.”

Ngayon na mas relax na ang “friendship” ng dalawa, si Quen nakapagbibitaw na ng linyang “I Love You” sa dalaga na sinusuklian lang ni Liza ng kanyang matamis na ngiti.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING