Enrique Gil, pinagsisihan na ang pagkakamali

Enrique Gil, pinagsisihan na ang pagkakamali

Enrique-GilANG MGA detractors ni Enrique Gil pala ang nagpapakalat na makakaapekto ang isyu niya sa box-office result ng bago niyang pelikula with Liza Soberano na Everyday I Love You na palabas na sa October 28.

Negative daw kasi ang imahe na nilikha ni Quen sa publiko sa ginawa niyanhg paglalasing onboard a flight kasama ang mga Kapamilya Stars papuntang London para sa show nila para sa mga Pinoy sa UK.

Bukod kasi sa paglalasing, medyo may pagkabastos din ang ginawa ni Quen kay Jessy Mendiola na ikinagalit siyempre ng boyfriend ng dalaga na si JM de Guzman na naglagay tuloy sa alanganin sa imahe ng young star.

Pero may nakapagsabi sa amin na medyo na-rattle si Quen sa pang-uurirat ng press sa kanya na hind namin nasaksihan during the presscon of his movie. Pero totoo ba na iwas na iwas si Quen sa pang-uurirat sa kanya about the incident na during the film’s media launch, noon lang humarap ang binata sa press para sagutin ang mga issues tungkol sa kanya?

Sa ganang akin, kung ano man ang naganap ay pinagsisihan na rin naman ng binata. Kung ano man ang kanyang pagkakamali ay naitawid na rin naman niya. Ang mahalaga, may pangako ng pagbabago si Quen sa sarili at sa publiko after that “lasing and kadyot” incident. Let’s give him a chance. Tao lang naman siya.

Reyted K
By RK VillaCorta