Enrique Gil, natsansingan si Liza Soberano sa dibdib?

Ang viral photo nina Liza Soberano at Enrique Gil
Ang viral photo nina Liza Soberano at Enrique Gil

Kalat sa social media ang litrato nina Enrique Gil at Liza Soberano, kung saan makikitang mistulang nakahawak ang isang kamay ni Enrique sa dibdib ni Liza. Kuha umano ang naturang litrato sa shooting ng station ID ng ABS-CBN para sa May elections na ginawa sa University of Sto. Tomas sa España, Manila.

Maraming netizens ang binigyan ng malisya ang nasabing litrato. Nakatsansing umano o nanamantala ang binata sa kanyang ka-love team.

Todo-tanggi naman si Enrique Gil sa akusasyon sa kanya. Sa isang interview sa kanya ng isnag entertainment website, sinabi wala siyang matandaang ganu’ng pangyayari.

Inaalalayan lang umano niya si Liza Soberano at mukha lang daw nakahawak siya sa dibdib sa dibdib ng dalaga sa anggulo ng pagkakakuha ng litrato.

Sinabi pa ni Enrique na maging si Liza umano, hindi rin alam ang tungkol sa bagay na ‘yun. Si Liza pa nga raw ang unang nagpakita sa kanya ng nasabing litrato.

By Parazzi Boy