Enrique Gil, nasayang lang ang inalagaang image

ADVERTISING

Enrique Gil, nasayang lang ang inalagaang image

Enrique-GilNAKALULUNGKOT ITONG kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Enrique Gil, patungkol sa pagwawala niya sa loob ng eroplano sa London trip ng ASAP 20 stars ng ABS-CBN. Bago nangyari ang nasabing iskandalo, walang puwedeng mag-isip na kaya at puwede niyang gawin iyon. Wala iyon sa imahe na kanyang binuo bilang pagpapakilala niya sa publiko, kaya nga hinangaan siya ng kanyang mga fans. Mukha siyang prinsipe na maamo sa kaguwapuhan, pero hindi rin pala siya iyon.

ADVERTISING

Pasaway pala si Enrique! Nakakalowkah ang young actor na ito. Ginastusan na siya ng Kapamilya Network para sumikat, at dalang-dala niya ang kanyang image bilang isang napakaguwapo na mukhang anak-mayaman, pero simple at abot ng masa. Siya ‘yung tipong ang sarap mahalin, dahil nga maamo ang appeal. Kaya nga pumatok ang teleseryeng Forevermore nila ni Liza Soberano ay dahil okey ang love team nila, at nahihinog na talaga patungo sa kasikatan ang guwapong actor.

S’yet! Sa totoo lang, sa hanay ng mga kabataang aktor na inaalagaan ng Star Magic, pinakapaborito namin si Enrique, dahil napakabait nga ng dating niya sa personal. Nakatutuwa ang unti-unti niyang pagsikat, dahil naungusan nga siya ng pagsikat ni Daniel Padilla. Napapansin na ang kahusayan ni Enrique sa pag-arte. Ang dami na rin niyang mga tagahanga, na nalulungkot sa kontrobersiyang nilikha niya. Ewan na lang kung maibabangon pa niya ang dati’y maganda niyang image. Kapag pinanood mo siya ngayon, ang maiisip mo: Ito ‘yung guwapong aktor na nagwawala kapag nalalasing!

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING