Enrique Gil, nakabangon sa kinasangkutang kontrobersiya

ADVERTISING

Enrique Gil, nakabangon sa kinasangkutang kontrobersiya

Enrique Gil
Enrique Gil

Nakabawi talaga si Enrique Gil sa kinasangkutan niyang kontrobersiya nung nakalipas na taon.  Nalagay rin sa alanganin ang love team nila noon ni Liza Soberano, pero sa ilang buwan nang pagtantiya sa naging epekto ng nasabing kontrobersiya sa loob ng eroplano, napatunayan naman na solid pa rin ang pagsuporta ng kanilang mga fans sa kanilang tambalan, kaya ikinatuwa iyon ng guwapong actor.  Napatunayan niya rin kung gaano kahalaga ang magandang image sa publiko.

ADVERTISING

Maganda ang suportahan nina Liza at Enrique, kaya naman nanganganib din sa love team nila ang tambalang Daniel Padilla-Kathryn Bernardo, at James Reid-Nadine Lustre. Kakaiba kasi ang istilo ng pareha nina Liza at Enrique, dahil simple lang sila na propesyunal pagdating sa kanilang mga trabaho, kaya parang mas totoo silang dalawa. Kaya naman, patok lagi ang kanilang mga teleserye ‘tulad ng “Forevermore” noon at “Dolce Amore” ngayon ng ABS-CBN.

Nakapagtatala na ng katatagan ang loveteam nina Liza at Enrique, dahil hindi lang naman ang magandang young actress ang magaling mag-alaga sa kanilang tambalan. Consistent din naman kasi si Enrique sa pag-iingat na magkaroon ng lamat ang kanilang tambalan, dahil hindi noon nakasingit na mas lumalim pa ang isyung sina Bangs Garcia at Sarah Lahbati raw ay naging karelasyon ng guwapong actor.  Itinanggi niya iyon, at tumutok lang siya noon sa kanyang mga trabaho.

Puro trabaho si Enrique. Hindi siya noon nagpaapekto sa mga patutsada at kantiyaw, na napag-iwanan na raw siya nina Daniel Padilla, Albie Casiño, at Diego Loyzaga. Sa ngayon, alam na kung nasaan ang lugar at marka ng kasikatan ni Enrique sa showbiz. Havey na, kumbaga! Kaya ingat-ingat din lang sina Daniel at James sa pag-abante ng career ng guwapong Prince Charming ni Liza Soberano.

ADVERTISING

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING