Enrique Gil, nag-a-I love you na kay Liza Soberano

Enrique Gil, nag-a-I love you na kay Liza Soberano

Enrique-Gil-Liza-SoberanoTAMA, MAY forever sa pag-ibig at pagmamahalan. In short, kung ano ang napanood natin sa teleseryeng Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano, hindi roon nagtatapos ang kuwento nila.

Itinawid ng dalawa ang nararamdaman nila sa pelikulang Just the Way You Are ng Star Cinema, na this time, hindi lng pasakalye ang “something” na nabuo nina Quen at Liz mula nang magsama sila sa trabaho, kundi tila meron nang “something” na maging si Quen ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman.

Basta sabi ng binata, happy siya kapag kasama niya ang dalaga. Yes, hindi sila mag-on. Pero sabi ng binata, maghihintay siya pagdating ng tamang panahon na puwede nang magmahal si Liz sa katulad niya.

Sa presscon ng pelikula ng dalawa na ipalalabas na sa June 17, ramdam mo na may “something” between the two.

Inamin ni Quen na nagsasabi na siya ng “I love you” sa dalaga na sinusuklian naman ni Liza ng “Thank you” lang.

Sa ead na 17, hindi pa puwedeng magka-boyfriend si Liza. ‘Yan ang bilin ng mga magulang niya.

Pero ang something na namamagitan sa kanilang dalawa ay ramdam na kahit ayaw man nilang aminin sa publiko. Si Quen, very vocal sa kanyang paghanga sa dalaga. Habang si Liza naman, pa-smile-smile lang na pamatay sa mga lalaking naghahanap ng mga mukhang tulad ng sa kanya.

Sabi nga ng katotong Isah Red na entertainment editor ng Manila Standard at ni Dindo Balares ng Balita tabloid, iba ang mukha ni Liza. Pamatay. Maganda. Classic.

Alam ko, ang something na sinasabi ni Quen, for sure, pagdating ng edad 18 ni Liz, mas lalong magiging bongga.

Reyted K
By RK VillaCorta