Enrique Gil, may sorpresa kay Liza Soberano sa Valentine’s Day

Enrique Gil, may sorpresa kay Liza Soberano sa Valentine's Day

Enrique Gil, may sorpresa kay Liza Soberano sa Valentine's DayAraw ng mga Puso na sa darating na Sunday.

Siyempre, ini-expect ng mga fans nina Liza Soberano at Enrique Gil kung ano ang plano ng dalawa sa darating na Sunday.

Si Quen, may sorpersa kaya kay Liza Soberano sa special day na ito sa babaeng “love na love” niya?

Busy sa promotion ang dalawa sa kanilang bagong teleseryeng “Dolce Amore” na magsisimula nang ipalabas the day after Valentine’s Day (February 15) na pamalit sa magtatapos na Pangako Sa ‘Yo.

Ayon nga kay Quen during the press launch ng show kamakailan, February 14 is a working day sa kanila ni Liza, because of the grand launch sa ASAP this coming Sunday ng kanilang show na susundan naman ng mall show nila sa Market Market.

“I don’t have plans yet kung ano ang mangyayari,” sabi ni Quen. “Pero I have a surprise for her on Valentine’s Day,” pahabol pa ng binata.

Paniguro ng binata na this Valentine’s Day ang pinaka-memorable para sa kanya. “And the most meaningful. Siguro, ito lang ang Valentine’s ko na totoo para sa akin. Lalo na ngayon, na pareho na kaming nag-mature, we’re closer even more.”

Kamakailan, Liza was declared as the 6th most beautiful face, ayon sa isang British website na TC Candler out of 100 Most Beautiful Faces of 2015.

Reaction ni Quen tungkol sa bagay na ito: “Siyempre, dapat lang. Baby ko ‘yan, kaya proud na proud ako. I’m super-super proud for her, and I’m always here for her, no matter what, no matter what.

“That’s a good thing, na si Liza, baby ko, is more well-loved and wanted, and I don’t get insecure,” sabi pa ni Quen.

Reyted K
By RK VillaCorta