Enrique Gil, matiyaga kay Liza Soberano

ADVERTISING

Enrique Gil, matiyaga kay Liza Soberano

Liza-Soberano-Enrique-GilAKMA LANG na masusundan agad ang super hit na pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil this October 28 sa pagpapalabas ng Everyday I Love You mula sa Star Cinema.

ADVERTISING

Kung super kilig tayo sa last na tambalan ng dalawa, sabi ng mga nakapanood na ng trailer ng movie nila, ‘di hamak na mas triple ang kilig ng pelikula ng LizQuen kung saan si Gerald Anderson ay makasasama rin nila.

Papaanong hindi magiging super kilig ang movie, si Quen, in love na in love kay Liza na hanggang ngayon, kung paniniwalaan natin ang statement ng dalaga na “friends” lang sila ng binata, hindi naman ito basta-basta bibitaw kung ano man ang napagkasunduan nila.

Siyempre, kung in love ka sa babaeng nakakasama mo araw-araw sa shooting at iba pang activities bago magsimula ang showing ng pelikula, akma lang ang titulo na “Everyday I love You” sa project nilang dalawa.

ADVERTISING

Ang alam ko, si Quen, pinaghahandaan ang kanyang bonggang regalo kay Liza sa birthday nito next year.

“I want to bring her to Disneyland Paris. I have been there when I was a kid and I want her to experience this on her birthday,” pagmamalaki pa ng binata.

As far as I know, hindi magde-debut party si Liza dahil mas gusto niyang magbakasyon on her birthday.

Do I hear it right na sa Paris trip na inihahanda ng binata para sa dalaga (as his birthday gift) makasasama naman ni Quen ang pamilya niya para magkaroon naman ng bonding ang pamilya ng binata at si Liza?

Sa ngayon, stick to her promise pa rin si Liza sa kanyang mga magulang at sa kanyang manager na si Ogie Diaz na sa birthday niya sa January 2016 saka pa lang siya puwedeng magpaligaw.

Ewan ko kung makapaghihintay pa si Quen sa dalaga. Pero how will you stop a boy loving a girl na kasing ganda ni Liza at mabait na walang karekla-reklamo?

Si Quen, dapat ang magtiis kung gusto talaga niya ag dalaga. Basta ang confirmed, araw-araw si Quen palaging sinasabi sa dalaga na “I Love You” na ewan kung hindi nakukulitan si Liza sa binata.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING