Enrique Gil at Liza Soberano, kaabang-abang na ang teleserye

ADVERTISING

Enrique  Gil at Liza Soberano, kaabang-abang na ang teleserye

Enrique-Gil-Liza-SoberanoNAKAKATUWA NAMAN na ang Forevermore ang bonggang inaabangan ngayon ng mga teleserye afficionados, huh! Paano naman kasi, trailer pa lang, kuha na ng viewers ang kagananapan, pero siyempre, nag-uumapaw rin ang kanilang curiousity kung ano nga ba ang magaganap sa pagitan ng mayamang si Enrique Gil at ng magsasaka ng strawberry na si Liza Soberano?
Eh, lalo na’t Cathy Garcia Molina at Ted Boborol lang naman ang mga direktor nito, kaya ramdam ang kilig sa mga eksena ng LizQuen.
Ang alam namin, ito ang ipapalit pagkatapos ng huling limang gabi ng Ikaw Lamang ni Coco Martin (na magko-concentrate naman sa Feng Shui nila ni Kris Aquino) at magsisimula na ito sa October 27 sa Primetime Bida.
Tatlong linggong nag-taping sa Tuba, Benguet ang buong cast dahil kailangan ang mga view at strawberry farm mismo na siyang laging nandu’n si Liza kasama si Joey Marquez.
Pero siyempre, hindi naman forevermore silang nandu’n dahil sa takbo ng mga teleserye ngayon, ‘pag nagsimula sa probinsiya, natatapos sa Manila ang mga eksena.
Anyway, abangan na lang natin ito sa susunod na Lunes.

ADVERTISING

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING