Enrique Gil, kuwintas ang birthday gift kay Liza Soberano

Enrique Gil, kuwintas ang birthday gift kay Liza Soberano

Liza-Soberano-Enrique-GilNECKLACE NA pendant na letter H ang birthday gift ni Enrique Gil kay Liza Soberano na nagbirthday nu’ng Jan. 4. Si Liza ang ka-loveteam niya sa teleseryeng Forevermore ng ABS-CBN na napapanood sa primetime. Ayon kay Enrique, H ang pinili niyang pendant dahil ito ang simula ng tunay na pangalan ni Liza which is Hope.

Masayang-masaya naman si Liza sa ibinigay ni Enrique pero wala raw ‘yung ibang ibig sabihin. Happy rin siya sa napakagandang takbo ng career niya ngayon at ang birthday wish niya ay magtuluy-tuloy lang ito.

Seventeen years old pa lang si Liza at 8 years pa ang hihintayin ni Enrique para maligawan ang dalaga. Pinaninindigan talaga ni Liza ang advice sa kanya ng manager (Ogie Diaz) na kapag 25 years old na siya, saka lang siya puwedeng magka-boyfriend. Ang tanong, willing naman kaya si Enrique na maghintay?

Samantala, alam n’yo ba na dahil sa sobrang lakas ng Forevermore ay naging tourist attraction na ngayon ang lugar kung saan sila nagte-taping sa Benguet. Ang dating tahimik na lugar at halos walang tao, ngayon ay dinarayo na ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar.

Ayon pa sa kuwento ni Ogie, “Dati, ‘pag nagte-taping kami sa location, wala pang tao, sobrang tahimik, pero ngayon, may mga stores na, may nagbebenta ng strawberry jam, mga La Fresa hats, mga ganu’n. Parang festival na do’n.”

Wow, ang bongga naman!

Anyway, inamin ni Enrique kung gaano na sila ka-close ngayon ng kapareha. Sey pa nga niya, “I just hope na hindi magbabago kung anong meron kami right now. I have a really, really close friend in her right now. ‘Yun ang promise ko sa kanya, kahit anong mangyari sa future, best friend ko siya.”

La Boka
by Leo Bukas