Enrique Gil, kabado sa teleserye nila ni Julia Montes

ADVERTISING

Enrique Gil, kabado sa teleserye nila ni Julia Montes

Enrique Gil, kabado sa teleserye nila ni Julia MontesISANG MALAKING kaba para kay Enrique Gil ang muli niyang paglabas bilang isa sa mga bida ng teleseryeng Muling Buksan Ang Puso ng ABS-CBN dahil dito ay sila na ni Julia Montes ang magka-loveteam pagkatapos na ang young actress ay ipareha kay Coco Martin sa naging matagumpay na teleseryeng Walang Hanggan. Nakaraos na kasi sina Coco at Daniel Padilla, habang nabigo sina Albie Casiño at ‘yung anak ni Cesar Montano.

Huling napanood si Enrique sa teleseryeng Princess And I kasama sina Daniel at Kathryn Bernardo. Nagpamalas si Enrique ng kakaibang husay niya sa pagganap sa nasabing serye, kaya masasabing leading man material na talaga siya lalo pa’t maganda rin naman ang kanyang height. Pero si Daniel naman talaga ang pinasisikat sa nasabing teleserye at nagtagumpay naman ang Dos sa layuning iyon, kaya ngayon pa lang magaganap ang pagpu-push nila sa kasikatan ni Enrique.

Dahil bagets pa talaga si Daniel, kaya nakalinya pa siya sa larangan ng pagpapa-cute sa mga fans. Ibang level ng kasikatan ang dapat saktong makuha ni Enrique, dahil aminin man o hindi ay nariyan na talaga ang katotohanan ni hindi puwedeng maging bata habampanahon sina Piolo Pascual, Sam Milby, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Gerald Anderson. Bukod sa mga nabanggit ay kailangan na siyempre ng Enrique Gil, kabado sa teleserye nila ni Julia Montesshowbiz ng bagong hahangaan. Kanya-kanyang panahon lang ‘yan.

 

ADVERTISING

MILYONARYA NAMAN kasi si Amalia Fuentes, kaya nu’ng maramdaman niyang ayaw muna niyang mag-showbiz ay wala talagang nakapilit sa kanya na gumawa ng pelikula o lumabas sa telebisyon nang mauso ang mga teleserye. Nagpahinga talaga ang dating movie queen, dahil mahabang panahon din naman ang ginugol niya sa pag-aartista at sumabak din naman siyang maging movie producer noon sa pamamagitan ng AM Productions na nakagawa rin ng marami at magagandang pelikula.

Nu’ng namamahinga na si Amalia sa showbiz, hindi naman siya nakalimot sa mga dati niyang kaibigang mga artista, dahil mayroon siyang communication sa mga artistang nakasabayan niya noon. Simple ang buhay na ginusto ng ex-wife ni Romeo Vasquez, dahil kuwento ng mga tindera sa Farmer’s Market d’yan sa Cubao, namamalengke raw ang beteranang aktres sa simple niyang ayos na walang make-up, dahil hindi nga naman haharap sa kamera.

Tulad ng ibang beteranang aktres na umiwas muna sa limelight, si Amalia ay tumaba rin, pero napakaganda pa rin ng mukha. Sa dami ng kumumbinsi sa kanya na muling umarte, ngayon lang siya muling napapayag, dahil mapapanood na siya sa isang bagong teleserye ng ABS-CBN, kasama ang karibal niya dati sa popularity na si Susan Roces, na sa totoo lang din ay malapit niyang kaibigan dahil ang wife ni yumaong Fernando Poe, Jr. ang ninang ng kanyang anak na si Leizel Martinez.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING