Enrique Gil at Julia Barretto, biktima ng demolition jobs

ADVERTISING

Enrique Gil at Julia Barretto, biktima ng demolition jobs

Enrique-Gil-Julia-BarrettoMUKHANG MAY demolition job sa dalawang stars ng ABS-CBN na sina Julia Barretto at Enrique Gil.

We saw a photo of a Julia lookalike na nai-post sa iba’t ibang websites na may kasamang guy na halos nakayakap at nakahalik sa kanya.

Ang feeling namin ay hindi naman talaga si Julia ‘yon. No offense meant, ha, sa girl na sinasabing si Julia pero malabong iyon ang dalaga. Mukhang tanders na kasi ang nasa photo. Magkahawig lang sila but we’re quite certain na hindi ‘yon ang anak ni Marjorie Barretto.

‘Yung photo naman ni Enrique ay ang mas nakakaloka. Merong kasing guy na humalik sa kanya and aware ang binata na kinukunan sila dahil naka-peace sign pa nga siya.

ADVERTISING

Pero maaari rin namang peke ang photo na ‘yon. It could have been altered. Alam mo naman ang technology ngayon, masyadong hi-tech. Lumabas ang photo sa getitfromboy.net.

Ano kaya ang reaction nina Julia at Enrique sa nasabing photos?

 

MAY SUWERTENG dala ang Showbiz Police sa TV5.

Although relatively new sa ere ay napansin na kaagad ito, nabigyan na kaagad ng pagpapahalaga.

The show aired from Monday to Friday at 4 p.m. was bestowed Best Showbiz Oriented Talk Show award sa katatapos na Gawad Tanglaw Awards. The recognition only shows how Showbiz Police is making its presence felt in the industry. Hindi nabale-wala ang collective efforts nina Tita Cristy Fermin, Raymond Gutierrez, Lucy Torres, MJ Marfori, Shalala and Direk Joey Reyes.

Ang bentahe ng Showbiz Police ay hindi sila nagpapahuli sa balita. Palagi silang merong chika kaya naman sakto lang ang tagline nilang “una ka sa balita”. And since it has sort of four o’clock habit na ng televiewers ang panonood ng Showbiz Police, sana ay manatili na ito sa ganyang timeslot.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING