Enrique Gil, itinanggi si Bangs Garcia

Enrique-GilSA PRESSCON ng Mirabella, agad na klinaro ni Enrique Gil na walang katotohanan ang issue na nag-uugnay sa kanila ni Bangs Garcia. Pinaliwanag ng young actor na nagkita lang sila ni Bangs sa Tokyo kung saan may show ito roon,

samantalang siya naman ay nandu’n para magbakasyon kasama ang pamilya. Inaya siya nito na mag-guest na rin siya sa show ng aktres at dahil bakasyon naman siya at sideline din ito sa kanya ay pumayag si Enrique. Maaaring ang naging basehan ng issues ay ang mga larawan na kuha nilang dalawa sa Tokyo na pinagpistahan na agad ng ibang tao at nabigyang-kulay.

Sa ngayon ay walang lovelife at ang pokus sa ang kanyang career, nang tanungin namin kung may tsansa ba na maging sila ng kapareha sa Mirabella na si Julia Barretto, para kay Enrique ay hindi siya nagsasarado ng pinto lalo’t gustung-gusto niya ang pagiging masayahin, mabait at ang pagkakapareho halos ng ugali nila.

Isa sa pinu-push ng ABS bilang mga leading men sa kanyang henerasyon, masaya at proud si Enrique sa tiwala na binibigay sa kanya ng ABS lalo’t hindi lahat ng tulad niyang artista ay nabibigyan ng ganitong oportunidad at pagkakataon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleKathryn Bernardo, humihingi ng bagong anak kay Daniel Padilla
Next articleJulia Barretto, mas bilib kay Gretchen Barretto kaysa kay Claudine Barretto

No posts to display