Enrique Gil, hinihintay lang na mag-debut si Liza Soberano

ADVERTISING

Enrique Gil, hinihintay lang na mag-debut si Liza Soberano

Liza-Soberano-Enrique-GilNAKA-JACKPOT ANG Kapamilya Network sa tambalang Liza Soberano and Enrique Gil. Tagal din kasi ang ginawang trial and error ng Kapamilya Network para makita kung sino at alin ang magki-klick sa taumbayan na makala-love team ng binata.Nakasuwerte sila sa teleseryeng Forever More ng dalawa, kaya nasundan ito ng pagpatok ng pelikula nilang Just The Way You Are na pinatunayan lang ng dalawa na sila ang hottest teen loveteam sa kasakukuyan.

ADVERTISING

Kaya nga mula nang mag-click ang dalawa, may follow up movie na sila bukod sa teleserye nilang bago na sa last quarter of this year nakatakdang ipalabas.

Pero dahil busy at hindi swak ang mga schedules nila, nagkaroon ng pagkakataon na magsama ang dalawa sa isang exclusive interview ni Kris Aquino para sa kanyang morning show na dapat abangan ng mga fans nila.

Alam n’yo ba na si Enrique ay nagsabi na ng “I love you” kay Liza? Pabiro man ang pagbitaw niya linya, alam kong seryoso ang binata sa dalaga.

ADVERTISING

Kuwento ni Enrique, “Nagsabi ako sa kanya na ng “I love You”. Pero dinaan ko sa pa-joke lang. ‘Yong parang ‘I love you’ tapos tinitigan ko siya. Siyempre kinilig ‘yun,” proud na ibinahagi niya sa isang interview.

Sa darating na Sabado, ang dalawa ay magsasama sa isang show sa Laguna. I’m sure ang daming mga fans ang kikiligin sa pagkakataong ito.

Sa mga nagtatanong kung anong level na ang “something” ng dalawa, may nakapagbulong sa amin na magiging ka-special something ni Liza ang binata. Hinihintay na lang niya na mag-debut siya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING