Enrique Gil, bukas sa posibilidad na ma-in love kay Julia Montes

ADVERTISING

Enrique Gil, bukas sa posibilidad na ma-in love kay Julia Montes

Enrique Gil, bukas sa posibilidad na ma-in love kay Julia MontesENRIQUE GIL is open to the possibility of falling in love with Julia Montes. “Bukas lahat. Whatever happens, happens. Nothing is impossible.” Ito ang kanyang walang kagatul-gatol na pahayag sa The Buzz.

ADVERTISING

Magkasama sila ni Julia sa bagong inaabangang teleserye sa ABS-CBN, ang Muling Buksan ang Puso, na malapit nang mapanood sa Primetime Bida. Wala namang masama kung mahulog man ang kanilang loob sa isa’t isa dahil pareho naman silang single. Sa katunayan, they look good together on and off-screen.

Kung may mga kinakikiligang KimXi at KathNiel loveteams, ngayon naman ay tinatawag nang JulQuen ang loveteam nina Enrique at Julia ng kanilang mga fans. They previously starred together in the movie The Reunion where they played Boggs and Ligaya.

Enrique Gil, bukas sa posibilidad na ma-in love kay Julia MontesJoining them in Muling Buksan ang Puso is Enchong Dee who was once linked to Julia. Mukhang ngayon pa lang ay pinagsasabong na sina Enchong at Enrique dahil sa balitang naaapektuhan na raw ang kanilang pagkakaibigan because of Julia. Enrique denied that there’s a misunderstanding between him and Enchong. “Kung may feelings man [ako for Julia], sasabihin ko agad kay Enchong. Wala pang level na ganu’n,” he said.

ADVERTISING

In a previous interview, Enchong clarified that there’s no bad blood between him and Enrique. Masaya raw siya para sa kanyang kaibigan if ever he decides to court Julia. “There’s nothing wrong with it if ever that happens,” sabi ni Enchong. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon – kasama rin nina Enrique at Julia sa pelikulang The Reunion si Enchong.

Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang sa teleseryeng Muling Buksan ang Puso. Maliban kasi sa magandang istorya nito ay may love triangle ding magaganap sa mga karakter nina Enchong, Julia, at Enrique. Kanino kayang mga puso ang magbubukas para patuluyin ang pag-ibig dito sa teleserye at maging sa totoong buhay? Abangan.

 

Kaibigan, usap tayo muli!  

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING