Enrique Gil, bawal pang halikan si Liza Soberano

Enrique Gil, bawal pang halikan si Liza Soberano

Enrique-Gil-Liza-SoberanoAFTER THE big success ng top-rating teleseryeng Forevermore, nagbabalik-tambalan ang hottest new loveteam na sina Liza Soberano at Enrique Gil sa pelikulang Just The Way You Are sa direksiyon ng bagong director na si Theodore Boborol at under Star Cinema. Ang nasabing pelikula ay isang romantic comedy na nakasentro sa istorya nina Drake at Sophia na gagampanan nina Liza at Enrique. Malaki ang pagkakaiba ng character nila rito compared sa role nila sa Forevermore.

Ayon kay Liza, mas challenging ‘yung role niya as Sophia dito sa movie. May kakaibang personality na siya lamang ang nakaaalam. “She keep it all inside, ganu’n siyang type of a person. Mahirap basahin ‘yung personality niya. May pagka-mysterious ‘yung character ni Sophia na tough girl attitude. Iba rin ‘yung character na pino-portray ko sa Forevermore, it’s more on drama. Dito kasi, very light lang, kasi romantic comedy. Lalabas ‘yung pagiging natural namin ni Enrique. They’re both challenging…”

‘Yung ibang scene nina Liza at Enrique, based sa kanilang personal life experience kaya lumabas na makatotohanan ang bawat eksena. Kailangang ready na sila pareho bago mag-shooting. Gusto ni Direk makita ‘yung transformation ng character kina Liza at Quen at hindi naman siya nabigo.

Say ni Direk Boborol, “Nag-workshop muna kami, nag-bonding para ma-portray nila nang maganda ‘yung character nila sa pelikula. We just want to create a beautiful movie na magugustuhan ng manonood. Bilib ako kina Liza at Enrique, lahat puwede nilang gawin mapa-romcom, drama, comedy, their are both versatile actors.”

Siyempre tinanong namin si Direk kung may kissing scene sina Liza at Quen? “Hindi pa puwede, 17 pa lang si Liza. Pero maraming kilig scenes ang dalawa lalo na raw sa airport. Napakanatural nilang umarte, bagay silang dalawa. I’m  sure makare-relate ang mga fans sa character nina Drake at Sophia na may pinagdaraanan din problema sa pamilya,” turan ni Direk Boborol.

Kapansin-pansin ang mga sexy scene ni Enrique with Liza sa trailer ng Just The Way You Are. Ano ang naging reaction ng dalaga habang kinukunan ‘yung scene nilang dalawa? “At first, nakaiilang, ang daming hubad scene ni Enrique rito. Minsan malaki ang tiyan, kasi busog siya. ‘Yung kotse scene, wala siyang tiyan dahil hindi siya nag-lunch,” tugon ng dalaga.

Umamin si Enrique na napaka-special sa puso niya si Liza at willing siyang maghintay. Kakaiba raw ang young star sa mga babaeng nakilala niya. Nang dahil sa seryeng Forevermore at sa movie nilang Just The Way You Are, nag-level-up ang friendship na mayroon sila ngayon.

“She knows naman kung ano ‘yung feeling ko for her. This is something special… masaya siya, masaya ako, ” sabi ni Quen.

“He’s always there for me… caring, thoughtful, and gentleman,” sambit naman ni Liza.

Kasama rin sa cast sina Yayo Aguila, Alex Diaz, Jon Lucas, Chienna Flomeno, Marco Gumabao, Myrtle Sarrosa, with special participation nina TonTon Gutierrez at Sunshine Cruz, showing on June 17.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield