Enrique Gil at Julia Montes, may pakiusap sa kanilang fans

ADVERTISING

Enrique Gil at Julia Montes, may pakiusap sa kanilang fans

Enrique-Gil-Julia-Montes enrique gil-julia montes onlyPARA KINA Enrique Gil at Julia Montes, isang pakiusap ang binitawan nila sa mga tagahanga ng kanilang tambalan at ito ay ‘wag sanang makipag-away sa ibang fans at mam-bash ng ibang artista na ipinapareha sa kanila.

ADVERTISING

Una nang nakatikim ay ang young actress na si Julia Barretto na kapareha ni Enrique sa seryeng sisimulan ng ABS-CBN, ang Mirabella. Agad namang humingi ng dispensa ang aktor kay Julia at siniguro naman nito na walang problema sa kanya at sanay na rin siya sa pamba-bash ng ibang tao lalo’t ‘di biro-biro na rin ang pinagdaanan ni Julia dahil sa problema ng mga Barretto.

Naiintindihan namang pareho nina Julia M. at Enrique ang nararamdaman ng kanilang mga tagahanga at pinagpapasalamat nila ang suporta at pagmamahal sa kanila ng kanilang mga avid fans, pero ang ayaw lang nila ay umabot sa pakikipag-away pa sa iba at maging sa mga artista na maaring ipareha sa kanila.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING
ADVERTISING