ENJOY AND HAPPY: Concert ni Vice Ganda sa Korea, successful!

ADVERTISING

ENJOY AND HAPPY: Concert ni Vice Ganda sa Korea, successful!

ENJOY AND HAPPY: Concert ni Vice Ganda sa Korea, successful!
VICE GANDA IN KOREA

ENJOY AND HAPPY! Ito ang description ng isang kaibigan na nag-pm sa amin na nanood ng concert ni Vice Ganda yesterday (Sunday) na isinagawa sa Ansan, South Korea.

 
Ganun talaga ang kadalasang epekto sa mga audience na nakakapanood ng mga palabas ng unkabogable box-office superstar sa “Pusuan Mo si Vice Ganda” concert series na nagsimula sa Araneta Colesium na kung saan-saan na umikot sa buong mundo.
 
PM sa Messenger namin ng aking kaibigan this morning: “Teh, ang saya-saya sa loob ng concert hall. Lahat nagtatawanan. Hagalpakan dahil alam mo naman si Vice kapag nagjo-joke na, imposibleng hindi ka matatawa. Enjoy kami ng mga kasama ko. Hindi kami lugi sa ticket na ibinayad namin,” kuwento ng kaibigan namin na si Cesar na isang English teacher dun.
 
Si Vice, hindi ka mabo-bore sa kanya. Sigurado na 100% na laugh trip ang concert niya.
 
Sa kanyang Sunday show na Gandang Gabi Vice, kita niýo naman kung papaano niya napapasaya ang mga live audience at television viewers.
 
Standing Room Only (SRO) sa loob ng Ansan-Wa Stadium na kahit siksikan ay deadma na sa audience dahil napupunan naman ni Vice ang sikip at init sa loob ng show venue.
 
Sa Korea show ay kasama si Ryan Bang (co-host ni Vice sa It’s Showtime) at ang tambalan nina MC at Lassie.
 
ENJOY AND HAPPY: Concert ni Vice Ganda sa Korea, successful!
 
Before the concert binilhan ni VG ang kanyang ina ng sapatos na ang video na kuha na isinusuot ng komedyante sa ina ang sapatos ay naging viral online (with 613,420 views as of today Monday afternoon).
 
Sa post ng komedyante:”Nung bata pa ako, pumupunta pa kami ng Cariendo ( sa Quiapo)  sa Sta. Cruz para ibili nya ako ng sapatos bago mag Christmas Party. Ngayon sya naman ang ibibili ko, Pagdating sayo, araw-araw Pasko”  short message ni Vice kalakip ng naturang video.
 
Sa Wednesday na ang balik ni Vice at kinabukasan, August 17 ay nasa It’s Showtime siya.
 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING