Engagement ring ni Zsa Zsa Padilla, nakaw-pansin sa Bes and the Beshies presscon

ADVERTISING

Engagement ring ni Zsa Zsa Padilla, nakaw-pansin sa Bes and the Beshies presscon

Engagement ring ni Zsa Zsa Padilla, nakaw-pansin sa Bes and the Beshies presscon
Zsa Zsa Padilla showing her engagement ring

TAKAW-PANSIN ang suot na diamond ring ni Zsa Zsa Padilla sa grand presscon ng pelikulang Bes and the Beshies na showing on Oct. 18 mula sa Cineko Productions.

Ayon sa singer-actress, engagement ring ang kanyang suot na galing sa fiancé na si Conrad Onglao. Pero isinoli niya na raw ang naturang singsing sa boyfriend nu’ng time na nag-break sila.

“Nu’ng naging kami na ulit, ibinalik niya ito sa akin,” natatawa niyang kuwento.

Halos anim na buwan din daw tumagal ang kanilang paghihiwalay hanggang na-realize niya na gusto niyang makipagbalikan dito.

ADVERTISING

“I’ve never broken up with somebody and gone back to the person. So, it was a first for me, and it was difficult for me kasi, talagang kinailangan kong mag-healing sessions,” pag-amin niya.

“Nu’ng nagkabalikan kami, I felt a lot of shame, I have to admit. I was ashamed. Kasi first time ko nga, eh.

“Kumbaga, kasi, siyempre, parang the people closes to me, lahat ng sinabi ko, kinain ko, parang ganu’n, ’di ba? Kasi I was so sure na hindi na ako makikipagbalikan,” dagdag pa niya.

Samantala, ayon pa rin kay Zsa Zsa, wala pang definite kung kailan sila magpapakasal ni Conrad dahil may mga inaayos pa raw na mga bagay-bagay.

Bukod kay Zsa Zsa, bida rin sa Bes and the Beshies sina Ai-Ai delas Alas, Beauty Gonzales at Carmi Martin. The film is directed by Joel Lamangan from the script of Ricky Lee.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING