Engagement ring ni Marian Rivera, ‘di bababa sa P3-M ang halaga

ADVERTISING

Engagement ring ni Marian Rivera, ‘di bababa sa P3-M ang halaga

Marian-RiveraSA TOTOO lang, bukod sa naging trending ang live and on national television na marriage proposal ni Dingdong Dantes sa kanyang lady love na si Marian Rivera last Saturday sa dance show na Marian sa Kapuso Network, pinag-uusapan ang Harry Winston engagement ring na regalo ng binata kay Yan.

Nagtanong-tanong kami sa value ng singsing. Isang sikat na jewelry designer ang Harry Winston na based originally sa UK. Ang Harry Winston, sila ang preferred jewelry ng mga totoong elite sa buong mundo.

Hindi porke’t diamond ay pare-pareho lang. Hindi porke’t singsing na binii mo sa Ongpin or your hulugang alahera ay patas na ang kilatis at halaga.

Nagtanong kami sa isang kakilala kung ano ang ipinag-iba ng isang Harry Winston kumpara sa ibang mga alahas or singsing. Sabi niya sa amin, ‘Royal Jeweler’ diumano ang HW. Sila ang gumagawa ng mga jeweled crown ng mga hari at reyna sa UK. Sila ang preferred jewelry designer ng mga totoong mayaman at elitista ng mundo.

ADVERTISING

Ang running rate ng one carat diamond ring na binili sa HW ay nagkakahalaga na US$15,000 (ito ‘yong cheapest) na umaabot pa ng US$25,000 to US$50,000 per carat.

Kung iko-convert natin sa peso ang current rate ng isang HW diamong ring na one carat, it will cost around 700 hundred thousand pesos.

Kaya nga nang malaman ng isang jeweler (nag-aral ito sa Europe para magpakabihasa sa pagkilatis sa diamond at iba pa expensive stones); more or less based sa Instagram posting ni Marian sa engagement ring na bigay sa kanya ng future husband niya, mga P3 million daw ang halaga ng HW ring na ‘yun.

“Rough estimate lang ‘yong P3 million, because I have not seen the ring. It’s difficult kasi sa photo ko lang nakita,” e-mail nito sa amin nang tanungin namin siya sa halaga ng singsing.

As of presstime, tahimik lang ang binata sa mga urirat sa kanya tungkol sa value ng HW engagement ring na bigay niya kay Yan.

Sa mga fans at supporter nina Dong-Yan, itong taon pala nakatakdang ikasal ang dalawa sa pagbabalita ng binata. Wala pang detalye: “Standby na lang, pero we will make an announcement for that but definitely, mangyayari ‘yon sa taon na ‘to.”

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING