Endorsements might be affected: Regine Velasquez, couldn’t confirm pregnancy

ADVERTISING

Endorsements might be affected: Regine Velasquez, couldn’t confirm pregnancy

Endorsements might be affected: Regine Velasquez, couldn’t confirm pregnancy MATAAS ANG RATING ng Party Pilipinas nu’ng nakaraang Linggo kasi marami ang naghintay kung ano ang announcement na sinasabi nila.

ADVERTISING

Nandu’n kasi si Regine Velasquez, kaya ang inaasahan ng lahat ay ia-announce na ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, hindi naman pala.

Mangiyak-ngiyak lang siyang nagpaalam na hindi na niya itutuloy ang I Heart You, Pare, at si Iza Calzado na ang papalit.

Nagiging masasakitin daw siya lately kaya pinayuhan na raw siya ng doktor na magpahinga na muna siya.

ADVERTISING

Pero kapansin-pansin ang pagtaba ni Regine at ang sabi ng mga reporter na nag-cover doon sa Party Pilipinas, medyo marami raw itong pimples kaya mas mukhang buntis daw ito.

Hindi pa raw kasi siya puwedeng magsalita tungkol sa pagbubuntis dahil sa pinirmahan nitong kontrata sa isang endorsement.

Kaya kahit si Ogie Alcasid, hindi rin puwedeng magsalita kaya iniiwasan niya itong sagutin sa mga interview.

Ang sabi lang ni Ogie, nandiyan lang daw siya para alagaan si Regine dahil ang concern lang nito sa ngayon ay maging okay lang ito at nandiyan siya kapag inaatake ito ng migraine niya.

Si Ogie rin pala mismo ang nag-suggest kay Iza na siyang papalit kay Regine sa I Heart You, Pare, dahil ‘yun daw talaga ang mas nababagay. Mabuti naman at tinanggap nga raw ito ng aktres.

Abangan na lang natin kung kailan na sila magsasalita tungkol sa pagbubuntis na dinig ko mahigit 6 weeks na raw ito.

ANG ISA PANG pinag-uusapan naman ngayon ay ang magkasintahang Rich Alvarez at Kyla.

Ang nakarating sa amin na kuwento, nagpakasal na raw sila ni Rich kay Makati Mayor Junjun Binay.

Civil wedding daw muna sila dahil naka-schedule daw talaga ang church wedding nila sa December ngayong taon.

‘Yun daw ang pinaghahandaan nila ngayon. Pero ‘yang civil wedding na pinag-uusapan ay duda pa lang, dahil wala pang may nagsasalita sa kanila.

Kaya kumalat ang ganu’ng balita, dahil may nakakita raw sa kanila sa tanggapan ni Mayor Binay kaya napagtsismisan tuloy na nagpakasal sila roon.

Kinakalkal pa ng Startalk at ng Tweetbiz Insiders kung totoo ‘yan dahil wala pang may nagsasalita sa kanilang dalawa.

Nagulat nga ang manager ni Kyla na si Arnold Vegafria dahil hindi naman daw sila nagpaalam.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING