ENDLESS LOVE: Dingdong Dantes, gumawa ng nakakakilig na tula para sa kaarawan ni Marian Rivera

37 YEARS OLD na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. To celebrate his wife’s special day, isang nakakakilig na tula ang sinulat ni Dingdong Dantes para sa kanyang nag-iisang reyna.

ENDLESS LOVE: Dingdong Dantes, gumawa ng nakakakilig na tula para sa kaarawan ni Marian Rivera
Marian Rivera

“Marimar ang programa kung saan una ko siyang nakilala

“At ang tawag ko noon sa kaniya’y suplada

“Pero ngayon, katorseng taon na ang nakalipas

“Mahal na ang tawag ko sa kaniya.

“Maligayang kaarawan sa Mestizang Caviteña

“Salamat sa Kanya at may isang Marian Rivera…oops.

“Misis Dantes na pala [kiss emoji]”

Kilig to the bones, ‘diba? Sa mundong puno ng hiwalayan at bitterness, may tambalang DongYan na hanggang ngayon ay nagbibigay sa atin ng dahilan para maniwala na true love still exists.

Isang simple pero elegenteng birthday celebration ang inihanda ni Dingdong para sa kanyang maybahay, na dinaluhan ng kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy. Kabilang din rito ang ilang taong malapit sa kanilang puso.

ENDLESS LOVE: Dingdong Dantes, gumawa ng nakakakilig na tula para sa kaarawan ni Marian Rivera
Dantes Family: Dingdong and Marian with kids Zia and Ziggy

Sa mga nakakamiss sa DongYan, dinadaan na lang nila sa panonood ng reruns ng kanilang 2010 hit series na Endless Love ang kanilang pagkasabik sa paborito nilang real-and-reel couple. Sa 2012 series na ‘My Beloved’ pa huling nagtambal ang dalawa. We demand a comeback!

Muli, Happy Birthday to the one and only Kapuso Primetime Queen, Marian Rivera! Inaabangan na rin namin ang iyong pagbabalik-teleserye at s’yempre, sana naman bigyan mo na kami ng comeback movie, please?

Previous articleDAHIL SA 25 YEARS AGE GAP: Maris Racal, umaming natakot amining sila na ni Rico Blanco
Next articleBAGONG UMAGA, BAGONG PAG-IBIG: Heaven Peralejo at Kiko Estrada, umamin na sa kanilang relasyon