Ending ng love story nina Clark at Leah sa “On The Wings Of Love”, hindi inaasahan ng mga tagasubaybay

ADVERTISING

Ending ng love story nina Clark at Leah sa “On The Wings Of Love”, hindi inaasahan ng mga tagasubaybay

Ending ng love story nina Clark at Leah sa “On The Wings Of Love”, hindi inaasahan ng mga tagasubaybayLast night (Tuesday) tinutukan ko ang “On the Wings of Love” (OTWOL). May kilig-high pa kasi ako that evening after meeting My Clark and My Leah earlier during their finale presscon para sa pagtatapos ng OTWOL sa darating na February 26.

Madugo angmga eksena nina Clark at Leah. After their separation ay muli silang nagtagpo by accident sa kalye ng San Francisco (California, USA), kung saan doon na naka-based ang ex ni Clark kasama ang bosing niya na si Simon sa negosyo nitong advertising agency, while si Clark naman ay nandu’n para dumalo sa isang product expo para sa mga gawa niyang mga furniture.

Kaloka ang eksena ng dalawa. Kung naghiwalay kayo na may sama ng loob sa isa’t isa at of all places (San Francisco), kung saan nagsimula ang inyong pagmamahalan at mga pangarap sa buhay, masosorpresa ka. Hindi mo alam kung ano ang gagawin mo.

Sa pag-aakala mo na right timing ito para makapag-usap kayo at bigla-bigla ay susulpot si Simon sa eksena, I’m sure bad trip ito para sa mga fans nina JaDine.

ADVERTISING

Masakit sa dibdib ang mga eksena. Ilang pagtatagpo ‘yun na hindi mo inaasahan.

Kaya nga during the presscon, nagtatanong ang press kung ano ang magiging ending ng love story nina Clark at Leah. Pero ang sagot ng dalawang director ng show na sina Direk Jojo Saguin at Antonette Jadaone, parang may pahaging ang dalawa na it’s not the usual ending ang parang gusto nilang tumbukin, pero ayaw naman nilang aminin sa hottest kilig-serye ng Kapamilya Network na magiging iba ang ending na hindi ini-expect ng mga televiewers.

Sa ending ng OTWOL next Friday, kanino mapupunta si Leah? Magkakabalikan ba sila ni Clark or mananatili na siya sa piling ni Simon?

But for now, habang abala sina JaDine sa kanilang mga band and dance rehearsals para sa concert nilang JADINE LOVE na magaganap sa Araneta Coliseum this Saturday February 20, focus muna ang dalawa sa kanilang sold-out show na katatampukan nina Vice Ganda and other surprise guests.

By the way, ibinalita ng Dreamscape Entertainment na simula yesterday ay magbebenta sila ng SRO tickets para sa Saturday concert ng dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING