‘Encounter’ nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga mapapanood na sa Vivamax

HINDI mo ba nasubaybayan ang Philippine adaptation ng South Korean hit series na ‘Encounter‘ nang ito’y ipalabas sa TV5? No need to fret dahil mapapanood na ang buong serye sa Vivamax!

Panoorin at kiligin sa kakaibang chemistry ng Viva Artists Agency talents na sina Cristine Reyes at Diego Loyzaga sa kanilang pagganap sa iconic roles na unang ginampanan ng Kdrama royalties na sina Song Hye-Kyo at Park Bo-Gum.

'Encounter' nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga mapapanood na sa Vivamax
Diego Loyzaga and Cristine Reyes

Ang ‘Encounter’ ay isang romantic May-December love affair story. Kuwento ito ni Selene Cristobal (Cristine Reyes), isang dating aktres na kakahiwalay lang sa kanyang asawa. Para protektahan ang reputasyon ng kanyang pamilya ay inangkin niya lahat ng sisi sa kanyang failed marriage kapalit ng ownership ng Hotel d’Trevi na pagmamay-ari ng pamilya ng kanyang ex-husband.

Sa ilalim ng kanyang pamamahala ay mas lalong umusbong ang Hotel d’Trevi na naging hudyat pa ng expansion ng kanilang hotel chain, kaya ito ay mapapadpad sa Ilocos.

Sa Ilocos ay makikilala niya ang isang mas batang engineering graduate na si Gino Hilario (Diego Loyzaga), na nagpapakasyon sa Ilocos bago ito magseryoso sa pagtatrabaho. Kahit na mahilig ito sa arts at photography, hindi ito pamilyar kay Selene Cristobal. Nang magkrus ang landas ng dalawa ay hindi niya alam na dating artista pala ang babaeng kanyang nakilala.

Sa kanilang pagbabalik sa Maynila ay hindi nila makalimutan ang isa’t isa. Originally, dapat ay sa ibang bansa nila kukunan ang mga importanteng eksena. Dahil sa pandemya ay nagsettle na lamang sila sa Ilocos. Mas mabuti rin iyon para naman mas ma-showcase din ang kagandahan ng isa sa magagandang probinsya ng Pilipinas.

Directed by award-winning director Jeffrey Jeturian, mas madali na tayong mag-marathon ng ‘Encounter’ sa pamamagitan ng Vivamax. Sa mga loyal fans ng original version, oras na rin siguro para panoorin ang kuwento with a Pinoy twist.

Previous articleRobin Padilla, dinepensahan ang sarili sa usaping tukso at pambababae
Next articlePaglipad ni Jane de Leon bilang Darna, kasado na; lalayasan na ang FPJ’s Ang Probinsyano