Enchong Dee, tinanggap na ang alok ni Mother Lily na makasama sa “Mano Po 7”

ADVERTISING

Enchong Dee, tinanggap na ang alok ni Mother Lily na makasama sa "Mano Po 7"

Enchong Dee
Enchong Dee

After ng very successful premiere night ng “I Love You To Death” sa SM Megamall last Friday, natsika pa namin si Enchong Dee, partner ni Kiray sa movie at naikuwento niyang masaya siya na tinanggap niya ang pelikula ni Mother Lily Monteverde.

Masaya raw niyang isi-celebrate ang kanyang 10th year sa showbiz dahil nagawa niya ang “I Love You To Death”. Nagulat naman kami nang aminin ni Enchong Dee na may follow-up movie na agad siya sa Regal.

Tinanggap na raw niya ang alok ni Mother Lily na maging part siya ng Mano Po 7: Chinoy na pagbibidahan ni Richard Yap.

“Masaya ako, sobrang saya kasi magaganda ‘yung nangyayari ngayon sa career ko. I’m very grateful sa tiwalang ibinibigay sa akin ng Regal,” sey pa niya.

ADVERTISING

Samantala, mixed ang reaction ng mga taong nakapanood sa premire ng “I Love You To Death”. May mga natakot at marami ring kinilig at nagtititili pa nga kapag may eksenang hahalikan ni Enchong si Kiray. Naka-relate kaya ang mga not so beautiful sa ganu’ng eksena o nandiri sila? Joke lang.

Palabas na ang “I Love You To Death” ngayong July 6.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING