Enchong Dee, sablay ang boses, ‘wag nang pangaraping maging singer

Enchong Dee, sablay ang boses, ‘wag nang pangaraping maging singer

Enchong-DeeLOVE KO si Enchong Dee. Malambing ang aktor. Hindi suplado. Gusto ko siya bilang isang artista. Marunong naman siyang umarte at p’wedeng makipagsabayan sa mga kaliga niya. Sa katunayan, gusto ko ang klase ng pag-arte niya, but please “Chong, huwag mo nang pangarapin ang maging singer.

Iilan lang talaga sa mga artista natin ang may boses na p’wedeng kumanta nang live, unless lipsynch at magkukunwari kana bigay todo sa birit at rakrakan.

Last Saturday night habang nagte-TV surfing ako, naituon ko sa Banana Split ang panonood ko. Si Echong, nag-sing and dance with matching back-up dancers. Promo yata ‘yun para sa kanyang concert. Sorry to say, dismayado ako.

Kaya nga kung hindi ka naman talaga singer at nasa kategorya ka na “p’wede na”, huwag nang mag-attempt na kumanta na hindi timplado ang tunog at sasabit ka.

Ang hirap din naman kasi, ang mga nasa likod ng career ng aktor. Swak na siya bilang artista, hindi pa magkasya at pati teritoryo nina Erik Santos at Jet Madela, gusto na ring pasukin. Tsk! Tsk!

Reyted K
By RK VillaCorta