Enchong Dee, proud sa na-achieve sa showbiz sa loob ng 10 taon

ADVERTISING

Enchong Dee, proud sa na-achieve sa showbiz sa loob ng 10 taon

Enchong Dee
Enchong Dee

Ika-10 pelikula pala ni Enchong Dee ang horror-romance-comedy movie na “I Love You to Death”, kung saan happy siya sa naging outcome ng career niya.

Yes, proud si Enchong Dee sa mga achievements niya sa showbiz mula nang magsimula siya 10 years ago (10 years na rin sina Xian Lim at Kim Chiu).

“Hindi naman kasi lahat ng gustong mag-showbiz ay nakakaroon ng chance na mabigyan ng magandang break. Sa kaso ko, when I started naging maganda ang plano ng Star Magic sa akin,” pahayag niya at the grand presscon ng pelikula nila ni Kiray Celis na showing na sa July 6 at magkakaroon ng premiere night sa July 1 (venue to be advised).

Sa movie, love interest ni Kiray si Enchong na ang pagmamahalan ng dalawa ay nauwi sa sumpaan na tipong “till death do us part” na ang horror segment ay mapanonood nang mamatay na si Enchong.

ADVERTISING

Sa movie, naging oks ang samahan nila ni Kiray na naging relax sila sa isa’t isa na ang naging ending, “p’wede” na nilang hawakan ang puwet ng isa’t isa.

Para sa kuwento tungkol sa hawakan nila ng puwet, sa mga susunod na column natin ikukuwento.

Sa kasalukuyan, focus muna si Enchong sa promotion ng pelikula niya at saka na lang daw niya babalikan ang promo ng kanyang bagong dance music CD na Enchong Dee Moves na mas naunang ini-release, pero naantala ang promo dahil inuna muna niya ang promotion ng pelikula niya sa Regal Films.

At kung tatanungin mo naman siya tungkol sa hiwalayan nila ng former girlfriend niyang si Samantha Lewis: “Huwag na. Hayaan na lang natin ‘yong isyu. Tutal tapos na ‘yun,” sabi niya.

Pero Enchong and Samantha remain friends at may communication pa rin naman sila sa isa’t isa.

“Hindi kami tulad ng iba na magkarelasyon then nagkahiwalay at nauwi sa wala. Kami, naging magkaibigan kami. Bago ako pumunta ngayon (Friday last week sa presscon), nagka-text pa kami at nagkumustahan,” sabi ni Enchong.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING