Enchong Dee, nawalang lahat ang kaba nang mapanood ang pelikula nila ni Kiray Celis

ADVERTISING

Enchong Dee, nawalang lahat ang kaba nang mapanood ang pelikula nila ni Kiray Celis

Enchong Dee & Kiray Celis
Enchong Dee & Kiray Celis

Wasak na wasak ang audience sa kabaliwan at kaaliwan na dala nina Kiray Celis at Enchong Dee sa dumagsang manonood ng pelikulang “I Love You To Death” na nagsimulang ipalabas nu’ng July 6.

Sobrang aliw kasi ang unang pagsasama sa movie ng Comedy Princess at Tsinito Prince mula sa simula hanggang sa wakas.

Bawat labas ni Enchong, bawat lampungan nila ay bumubulwak sa sigaw, tili, at hiyawan ng crowd na nagsiksikan sa sinehan nu’ng premiere night ng pelikula. Swak na swak ang chemistry nilang dalawa to the max.

Kuntentung-kuntento ang Tsinito Prince sa kinalabasan ng movie. “I think this is the perfect movie for my tenth film for my tenth anniversary. Nawalang lahat ang kaba ko nang mapanood ko ang pelikula,” pahayag ni Enchong.

ADVERTISING

Galak na galak din ang aktor sa performance ni Kiray. “No wonder, she’s being called the Comedy Princess. She lived up to the expectation dahil ang galing niya,” rason ni Enchong.

Sa panig naman ni Kiray, “Masaya ako. Hindi namin ini-expect na ganoon kagaling si Miko (Livelo, the director). Lagi namin siyang inaasar. ‘Galingan mo, huh! Gandahan mo ito. Ayusin mo ito.’ Kasi parang magkakabarkda lang kami. Ang galing. Sobrang talino ni Miko.”

Sa totoo lang naman, walang inhibitions ang Chong-Ki loveteam sa kanilang lampungan at halikan kaya bilib ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa kanila.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING