ENCHONG DEE, NAGTARAY!

ADVERTISING

ENCHONG DEE, NAGTARAY!PAGKATAPOS NAMING “UMANI” ng “batikos” at masasakit na salita mula sa ilang fans ni Charice Pempengco, eh, in fairness, parang bawi na rin, dahil sa dami nang nagko-comment ng maganda tungkol sa Mutya.

Alam naming we cannot please everybody, dahil kahit magtitihaya ka sa kalye, kung ayaw ka nila, wala kang magagawa.

ADVERTISING

Pero sa mga nakaka-appreciate sa trabaho namin bilang manunulat, TV host at opinyonista, maraming salamat sa lawak ng inyong pang-unawa.

Sa mga nakaka-appreciate naman sa pagiging “aktres” namin sa Mutya, super thank you, ha?

So, we therefore conclude na gano’n lang talaga ang buhay. May natutuwa, may naiinis. May napapasaya ka, may halos ma-highblood na sa pagmumukha mo.

ADVERTISING

But at the end of the day, importante pa rin na ‘wag magtanim ng hatred at paghihiganti sa puso, dahil guguhit ‘yan tiyak sa noo mo.

ANG AMING TWITTER follower na si Jessica Sanchez ang source namin ng Ktxt ni Enchong Dee na parang ikinaasar niya.

“Nainis kasi siya na dumarami ang nagre-react sa pagkakalink niya sa maraming actresses. Ito po ang kanyang KTXT nu’ng Feb. 2.

“I just want to share my state of mind right now, kasi maraming bad trip sa kin sa twitter or online because of being linked to a certain personality.

“I really don’t know why other people’s opinion should matter when the fact of the matter is kaninong buhay ba to? Be-tter yet kayo ba nagpalaki sa ‘kin for your opinions to matter?

“For the 1st time I would speak out kasi may mga taong magagaling dito sa mundo na ang daming oras pakialaman yung buhay ng tao rather than to improve their lives, kaya say what you want to say because tomorrow ill be the same, still aiming high and TRY TO BETTER MYSELF!”

Ok. To set the record straight. Kung si Enchong man ang pumipindot ng kanyang celfone para mai-transmit sa kanyang mga followers sa Ktxt, opinyon niya ito, kaya mas mainam na irespeto natin.

KASABAY NG PAGRESPETO natin ang karapatan din nating marinig ang “hinaing” nitong follower niya sa Ktxt na si Jessica Sanchez:

“Reacting to a negative issue is not a bad thing for actors. Pero itong ginawa ni Enchong parang sobra naman, so much arrogance and conceit.

“Dito lang napapatunayan what kind of upbringing he has. Sisihin ba ang mga nag-react when in fact sa bibig nya mismo galing ang mga confusing statements nya.

“Sinasabi niya na wala siyang balak ligawan si Kim, tapos next week iba na naman sasabihin nya. Na bigyan pa siya ng panahon. Tapos very sweet sila ni E-rich. tapos sasabihin niya masaya siya kay Bianca when he knows for himself na walang namamagitan sa kanila.

“Nakakatuliro s’ya ng utak. ‘Di malaman kung ano talaga gusto niya. And the worst thing is siya pa ang galit, siya pa may violent reaction. Ni hindi niya makita ang sarili niyang kamalian.

“What right does he have to confuse people? Ang hirap kasi sa kanya nabago na siya ng kaunting kasikatan.

“Oo, ‘di mga manonood ang nagpalaki sa kanya, pero MALAKING PARTE SILA KUNG BAKIT SIYA TUMATAMASA NG TAGUMPAY ngayon. MAGPAKATOTOO NA SIYA. Itigil ang GIMIK.

“Kung ayaw niya ng napupuna siya, ‘wag siyang mag-artista. Tapos! STARS LIKE HIM ARE NOT WORTHY OF EVEN AN OUNCE OF PEOPLE’S ADULATION. P’wede ba, hindi niya ka-level si PIOLO o si JLC. ‘Wag siyang masyadong feeling.”

Well, hinay-hinay lang, Jessica, ha? Ipagpasalamat natin na at least, si Enchong, inilalabas ang tunay na damdamin. Hindi namamlastik or ume-echos lang, ‘di ba?

I think for that matter, i-appreciate na lang din natin ‘yung “effort” ni Enchong magpakatotoo sa kanyang nararamdaman kahit pa ito ay taliwas sa sarili mong opinyon.

Keri?

Smile ka na, mare.

ENCHONG DEE, NAGTARAY!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING