Enchong Dee, nagpakita ng galing “Mano Po 7”

ADVERTISING

Enchong Dee, nagpakita ng galing “Mano Po 7”

Enchong Dee
Enchong Dee

Iisa lang ang tanong ng marami pagkatapos mapanood ang premiere night ng “Mano Po 7: Chinoy”. Bakit daw hindi nagustuhan ng MMFF Screening Committee ang pelikula gayung maganda at malinis ang pagkakagawa nito. Magagaling din ang cast ng pelikula.

ADVERTISING

Nagkikibit-balikat lang si Mother Lily at Roselle Monteverde habang naririnig ang komento ng ilang press na nasa premiere, pero halatang masaya siya na pinupuri ang kanyang latest movie.

Isang naging kapansin-pansin din sa pelikula ay ang kahusayan ni Enchong Dee bilang isang blacksheep na anak ni Richard Yap. Sa simula pa lang ng pelikula ay ipinaramdam na agad ni Enchong ang kanyang presence, huh!

Para sa amin, this is one of his best performances. Sana nga ay mapansin siya ng iba’t ibang award-giving bodies next year.

ADVERTISING

Anyway, showing na sa December 14 ang “Mano Po 7” at bukod sa grand parade na ginawa nila sa SM Megamal nu’ng premiere night night, meron din silang parada sa Binondo at Chinatown this Sunday.

Kasama rin sa “Mano Po 7”, bukod kina Richard Yap at Enchong sina Jessy Mendiola, Jean Garcia, Janella Salvador, Marlo Mortel, at marami pang iba.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING