Enchong Dee, mahihirapang mahalin si Maja Salvador

MAY BAGO na namang aabangan ang mga manonood with ABS-CBN’s upcoming teleserye titled Ina, Kapatid, Anak which is topbilled by four of the hottest Kapamilya young stars Kim Chiu, Xian Lim, Maja Salvador, and Enchong Dee. The Primetime Bida series is directed by Don Cuaresma and Jojo Saguin.

The story revolves around sibling rivalry, wealth, business and love. Ito ang magiging reunion project nina Kim at Xian matapos ang My Binondo Girl, samantalang ito naman first team-up nina Maja at Enchong.

Ayon sa artikulong sinulat ni Rhea Manila Santos sa Push.com.ph ay sinabi ni Enchong na masaya siya na makatrabaho ang kaibigan niyang si Maja. “I’m happy kasi sinabi ko nga sa kanya na ang tagal kong hinintay na maka-partner siya. Siguro mahirap para sa amin, kasi barkada talaga kami. Pero kailangan naming ipakita iyong love angle and kailangan mong hugutin iyon somewhere. Kung magkaibigan iyong ipo-portray, madali lang. Pero with something more than that, kailangan naming i-experiment pa iyon.”
Hindi naman nag-aalala si Enchong na may mga maglabasang isyu tungkol sa kanila ni Maja kapag kinunan na ang kanilang mga eksena. Wala raw dahilan para magselos si Matteo Guidicelli na boyfriend ni Maja dahil magkaibigan sila sa totoong buhay. “Okay kay Matteo. In fact, yinayaya pa nga niya akong mag-bike. Sinasabi niya sa akin, ‘Bili ka na, bro, ng bike mo para mag-bike na tayo.’ So, we’re good. We’re friends,” kuwento ni Enchong.

Can we expect Enchong to bare some skin katulad ng ginawa niya sa Maria la Del Barrio? “Iyong pagiging sexy, iyan ang hindi ko pa alam.

Kaibigan usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous article‘Di itinanggi ang date nila ni Sen. Chiz Escudero Heart Evangelista, open na sa manliligaw!
Next article‘Pag nakumbinsing tumakbo Bossing Vic Sotto, padadapain si Herbert Bautista!

No posts to display