Enchong Dee, kalat sa internet ang pagiging bading?!

WALA AKONG ACCESS sa ilang talents ng ABS-CBN 2, kaya hindi namin kayang mahingan ng reaksiyon si Enchong Dee tungkol sa mga kumakalat na paninira laban sa kanya.

Patuloy na may mga inilalabas sa isang internet blog na Byxbuzz.blogspot.com tungkol kay Enchong na isa raw siyang bading.

Hindi namin alam kung sino itong nagpapalabas ng mga paninira kay Enchong, pero kaya raw niyang patunayan na meron itong karelasyong kauri din niya.

May inilabas pang litrato at pangalan nitong lalaki pero hindi na namin inilabas dahil private person naman ito.

Pero guwapo ang lalaki na medyo nakakaduda rin kung lalaki ba talaga o bading din.

Matagal nang napagbibintangang bading si Enchong, pero siyempre itinatanggi niya ito at wala naman daw siyang kailangang gawin para mapatunayang tunay siyang lalaki.

Ang dami pang inilabas tungkol sa pakikipagrelasyon diumano ni Enchong sa lalaking ito. Kaya ewan ko kung papatulan pa ito ng young actor.

Hindi naman bago ang ganitong isyu sa mga kilalang aktor lalo na’t kung sumisikat, at ang iba ay deadma lang sila dahil sigurado naman sila sa kanilang kasarian. Ang iba naman, deadma na rin dahil mahirap na at baka lalong mabukelyang totoo pala.

NU’NG NAKARAANG LINGGO pa kami nagti-text ni Jennylyn Mercado tungkol sa isyu nila ni Dennis Trillo at consistent ito sa pagdi-deny.

Iyong una ay nasa Cebu raw sila, at hinahamon kami ni Jennylyn na puwede naming i-check sa Plantation Bay na tinutuluyan nila kung nandu’n nga si Dennis.

Ngayon ang latest, itong sa Hong Kong na nakunan daw sila nu’ng Martes Santo na magkasama. At ang pruweba, may mga litratong naghu-holding hands pa sila.

Bago pa ito lumabas, may blind item din si Tita Cristy Fermin na nakitang sobrang sweet daw itong aktres at ang kilalang aktor sa Hong Kong at obvious na sina Jennylyn at Dennis ang tinutukoy.

Kaya tinanong na namin noon si Jennylyn kung pumunta ba ito ng Hong Kong bago sila magbakasyon ng Cebu. Hindi naman daw. Kahapon, kaagad na tinext ko siya nang lumabas na itong mga litrato, pero hindi ako sinagot.

Naka-schedule siyang pumirma ng kontrata sa GMA-7, kaya roon na lang namin siya aabangan para mahingan ng reaksyon tungkol dito.

Si Dennis naman, tahimik pa rin at mahirap din itong mahingan ng reaksiyon. Pero tutukan pa rin namin sa taping ng Gumapang Ka Sa Lusak para magkalinawan na kung ano ba talagang meron sa kanilang dalawa.

Kunsabagay, wala namang masama kung may namamagitan na sa kanila. Unless, hindi nga committed si Dennis kay Cristine Reyes.

KUNG BONGGA ANG mga nakunan ng mga photographer natin sa Pinoy Parazzi, may mga nakunan din ang Tweetbiz sa ilang mga artista nating nagbakasyon sa Boracay at meron ding mga sightings si Tim Yap sa huling bakasyon nito sa Thailand kasama sina Anne Curtis at ilang malalapit na kaibigan.

Totoo kayang may isang non-showbiz guy na kasama roon si Anne? Nag-react na nga raw ang mga fans nila ni Sam Milby, kaya ewan ko kung kaya pa itong ilabas ni Tim.

Abangan n’yo na lang iyan sa Tweetbiz sa QTV 11 mula Lunes hanggang Biyernes 7:30 P.M. at meron ding replay sa 10:30 P.M.

By Gorgy’s Park

Previous articleMatteo Guidicelli, pinanghihinayangan ng Siyete!
Next articleParazzi Chikka: Matt Evans, ‘di na maide-deny ang GF!

No posts to display