Enchong Dee, kahit maraming kumpetensiya, naiaangat pa rin ang sarili

ADVERTISING

Enchong Dee, kahit maraming kumpetensiya, naiaangat pa rin ang sarili

Enchong Dee, kahit maraming kumpetensiya, naiaangat pa rin ang sariliPATULOY NA gumagawa ng sariling marka nila sa showbiz sina Enchong Dee at Alden Richards na ngayon ay hinuhulaan na kung sino sa kanilang dalawa ang mas may malayong mararating sa init ng kanilang popularity.

Naunang pumasok sa showbiz si Enchong, pero kahit napakaraming kakumpitensiyang kapwa niya artista sa bakuran ng ABS-CBN ay naingat niya ang kanyang sarili.

Sa bakuran naman ng GMA-7 ay nanggugulat na si Alden, dahil lalo pa siyang napapansin na gumagaling sa pag-arte.

Malayo ang kalibre ng kasikatan ni Enchong sa kasikatan ngayon ni Daniel Padilla, na sa ngayon ay pambagets pa, kaya nakalinya pa sa pagpapa-cute.

ADVERTISING

Aktor na kasi si Enchong, kaya naman ramdam na ramdam ‘yung tiwala sa kanya ng Kapamilya network, dahil hindi siya nababakante. Kasama siya sa pelikulang Four Sisters And A Wedding ng Star Cinema. At habang kasama siya sa Ina, Kapatid, Anak ay isasali rin daw ang actor sa teleseryeng Muling Buksan Ang Puso.

Pantasya rin si Enchong, dahil bukod sa guwapo siya ay maganda rin ang kanyang katawan. Mahirap din ang kanyang sit-wasyon, na baka bumitiw ang kanyang fans kapag inamin niya kung sino ang girlfriend niya, kaya lagi niya iyong inililihim.

Kabaligtaran naman ni Alden, na habang sumisikat ay hindi naglilihim. Pantasiya rin kasi siya ng mga bading at mga kolehiyala. Pero walang pag-aalinlangan niyang inamin ang nagpapasaya sa kanya ngayon ay isang non-showbiz girl.

 

CONSISTENT PA rin si Yasmien Kurdi sa kanyang ugali, na kung hindi naman makakabuti para sa kanya na pag-usapan ang mga personal na bagay tungkol sa kanyang buhay ay huwag na lamang iyon pag-usapan sa showbiz.

Katulad na lamang ng naging tampuhan nila ng kanyang mommy na nag-ugat nga sa sitwasyon, na sa maagang panahon ay bigla na lang nagdesisyon ang magandang aktres na unahin ang kanyang lovelife, nagbuntis at nanganak.

Nagbabalik-showbiz ngayon si Yasmien, dahil kasama siya sa teleseryeng Anna Karenina ng GMA-7, at maganda ang kanyang role.

Mas importante para kay Yasmien na nabigyan siya ng magandang project na hudyat ng kanyang pagbabalik, kesa naman gamiting dahilan ang naging tampuhan nila ng kanyang mommy para siya ay mapag-usapan, sa dahilan lang na magandang may intrigang mapag-usapan para mapansin.

“Ayoko naman ng gano’n. Hindi ko makakaya na kapamilya mo, may naging tampuhan kayo, ay ilaladlad mo pa sa showbiz. Okey naman na, at kung anuman ang problema, kami ang aayos noon. Hindi na kailangang malaman pa sa buong showbiz at sa buong Pilipinas,” wika ni Yasmien.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING