Enchong Dee at Erich Gonzales, balik-tambalan sa pelikula

ADVERTISING

Enchong Dee at Erich Gonzales, balik-tambalan sa pelikula

Erich-GonzalesEnchong-DeeNAGBABALIK-TANDEM SINA Enchong Dee at Erich Gonzales with JC De Vera, three of today’s hottest young dramatic actors in the film Once A Princess sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Masasabing ang pelikulang ito ang kaunaunahang kolaborasyon nina Enchong, Erich at JC. Ayon kay Direk Laurice, ang talentado at sensuwal nilang tatlo ay siguradong pagliliyabin ang pinilakang tabing sa kanilang kapana-panabik na pagganap. Buong pusong ilalantad nina Enchong, Erich at JC ang kanilang mga katawan, puso at kaluluwa sa kanilang pagbibigay ng bagong kahulugan sa mga katagang ‘happily ever after’.

For the first time, ngayon lang gaganap ng mature role si Enchong. “Mahirap ‘yung character ko rito, tinulungan ako ni Direk Laurice para maging adult ‘yung akting ko. Para siyang mother na tinutulungan ang kanyang mga anak. Marami ang makare-relate sa character naming tatlo kapag pinanood ninyo ang pelikula namin. Nasa tamang edad na ako to portray this kind of role,” sambit niya.

Para kay Direk Laurice, it’s a big challenge on her part na ang isang national best seller ay gawin niyang pelikula. Kailangang ipakita nito ang mga important scenes na nasa libro. May mga eksena nga raw na nakare-relate sina Enchong, Erich at JC sa kani-kanilang character. Kakaiba raw ito sa mga drama film na napanood na natin in the past.

ADVERTISING

Pagdating sa love, puwedeng isakrapisyo ni Erich ang lahat sa taong mahal niya. Si Enchong naman dahil sa kakulangan ng oras, naiintindihan naman daw ng non-showbiz girlfriend niya ang kanyang trabaho. Magta-travel na lang sila abroad to be together.

Nang tanungin namin si Enchong about his new relationship, nakiusap itong huwag nang pag-usapan ang kanyang personal life. “Balato na lang ninyo ito sa akin.This is my most private relationship. I would  appreciate if we don’t talk about it. Alam niyang artista ako, kaya nga ayaw ko. As much as possible, ayaw kong magbigay ng details, kasi simula nu’ng nalaman kami, may mga nagtu-tweet sa kanya. May gumagawa ng mga account, may bashers. I feel bad kasi hindi siya sanay sa ganito. I just want to keep it low,” paliwanag ng actor.

Ikinuwento ni Enchong na months niyang niligawan ang bago niyang gilrfriend bago naging sila. Sa sobra ngang excited ng actor agad-agad nitong binandera sa isang interview na may girlfriend na siya. “I treat her like a Princess. Nakita naman niyang nasa good mood ako nu’n…. She felt good nang aminin ko in national television na may girlfriend na ako. I would think, na ang pangit naman kung idi-deny ko siya. ‘Yung acknowledgement nandu’n siya. She’s happy that I acknowledge her. Hindi naman sa hindi ako proud, simula nu’ng umamin ako, nag-start na silang mag-research kung sino siya? I would keep it as much as possible…”

Hindi ba na-hurt si Enchong sa mga nagba-bash sa girlfriend niya? “Sanay na ako, wala naman akong makukuha kung maniniwala sila o hindi. Okay lang sa akin, I respect their opinion, huwag nang patulan talaga.”

Magre-react kaya ang family ng girlfriend ni Enchong if ever sabihin ng actor kung sino nga ba talaga ang mistery girl na ito? “Hindi naman, actually sinabi ko sa kanya… it’s over boarding already. Every little details na ibibigay ko, malalaman at malalaman ng mga tao. We just keep it that way,” paliwanag ng binata.

Sa tingin kaya ni Enchong, hindi makaepekto sa movie nila ni Erich ang pag-amin niya may dyowa na siya? “Not at all, for the longest time kaming dalawa ni Erich we’re friends. We’re really really open to the press. We’re really really close, matatanda na kami, kaya na naming harapin kung anuman ang intrigang darating.”

Inamin ni Enchong na kapag may libreng oras siya, they go out dating du’n sa lugar na hindi ma-tao para mayroon silang privacy. Sweetiko, ang tawag ng sweetheart niya sa kanya. Sinabi naman niya sa akin, she will adjust, I will adjust also. Kasi nga, hindi siya sanay, give her more time…”

Oo nga naman.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING