Enchong Dee, cried like a child upon learning AJ Perez’ death?

ADVERTISING

 Enchong Dee, cried like a child upon learning AJ Perez’ death?

 Enchong Dee, cried like a child upon learning AJ Perez’ death? MARAMI ANG NAKAKITANG magkasama sa Boracay sina Lovi Poe at Jolo Revilla at dahil dito nabuo ang hinala ng marami na nagkabalikan na ang dalawa na mariing pina-bulaanan ng aktor.

ADVERTISING

Ayon sa binata ni Senator Bong Revilla, walang balikang nangyayari dahil sila ni Lovi ay makaibigan na lang. Pero walang nakikitang masama ng aktor kung sakaling muli silang maging close ni Lovi, dahil una at higit sa lahat ay wala naman daw silang masamang pinagsamahan.

DEADMA, AS IN ayaw patulan ni Vic Sotto ang isyung may isang flight stewardess siyang napupusuan na siyang ipinalit niya kay Pia Guanio na matagal ding nakarelasyon ng komedyante.

Sinabi ng isang taong malapit kay Bossing na totoong maraming kaibigan si Bossing at isa na nga rito ay ‘yung sinasabing flight stewardess. Pero kaibigan lang daw iyon ng aktor. “Sila pa rin ni Pia, wala pa ring nababago sa relasyon nila, pero sa totoo lang muntik na talaga silang magkahiwalay noon pero naayos naman iyon kaya okey na sila.”

ADVERTISING

AYON KAY LUIS Manzano, matagal na niyang balak talagang bumukod ng bahay pero hindi ibig sabihin noon ay may ili-live-in na siya sa bago niyang condo.

“Matagal ko na talagang plano ito, at feeling ko, kasama ito sa pagiging matured ng isang tao. Kasi hindi naman habang buhay makakasama mo sa iisang bahay ang parents mo, ‘di ba?
Bukod sa pagsasarili, ipinangako rin ni Luis na hindi na siya magiging vocal sa pagsasalita tungkol sa kanyang lovelife “Huwag na muna, ayoko muna. Kasi feeling ko, kailangan ko rin naman ang kahit na konting privacy sa aking sarili.”
BINIBIGYAN NG KAKAIBANG kulay ang ginawang paghagulgol ni En chong Dee nang malaman nitong patay na ang aktor na si  AJ  Perez.   Say  ng   ating

spy, ibang klaseng iyak daw ang ginawa ni Enchong. Para itong bata na inagawan ng laruan na kulang na lang ay maglupasay dahil sa matinding sama ng loob.
Sus, maryosep! Huwag nang intrigahin pa si Enchong lalo pa kung ang involve ay ang mabait na yumaong si AJ.
USAP-USAPAN NA SI Wendy Valdez ay kinabubuwisitan ng dating mga kapitbahay sa Malabon.

Ang tsismis, kapag dumarating daw sa dating tinitirhan ang aktres ay nagpi-feeling sikat ito na akala mo ay para bang bahong-baho sa dating lugar na kinalakihan.

“Sa Channel 2, kinaiinisan ng mga staff ‘yang si Wendy. Kaya nang umalis siya, parang gustong magpa-party ng dati niyang nakasama sa trabaho,” sey sa amin iyon ng isang taga-Dos.
More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING