Enchong Dee, balik-trabaho matapos ang mahigit isang taong bakasyon

Enchong Dee, balik-trabaho matapos ang mahigit isang taong bakasyon

Enchong-DeeSOBRANG MASAYA ang samahan ng kanilang pamilya, kaya hindi rin masyadong nainip si Enchong Dee sa halos isang taon na tengga ang kanyang career sa showbiz. Naranasan din naman kasi niya na siya na ang naglalambing sa Kapamilya Network na magbakasyon muna, dahil dumaan ang kanyang career sa sobrang dami ng kanyang trabaho na kinaiinggitan na siya ng kanyang mga kapwa artista sa ABS-CBN.

Habang humihingi si Enchong ng bakasyon, papainit naman ang career ni Danie Padilla at nauso ang mga bagets sa telebisyon at pelikula. Kaya ang kahilingan niyang mga 5 months na bakasyon ay natagalan at umabot nang halos isang taon. Ngayon ay muli na naman siyang mapanonood sa telebisyon sa pamamagitan ng Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito. Kaya para sa kanya ay hindi niya maipaliwanag ang tuwa na muli na naman siyang sasabak sa trabaho.

Hindi mahilig makipagkumptensiya si Enchong. Pero sa pagbabalik niyang ito ay dapat talaga siyang bumawi sa naging haba ng panahon na nagbakasyon siya sa showbiz. Wala siyang ka-loveteam na makakasanib-puwersa para lalong umingay ang kanyang popularity. Pero ang kalamangan niya ay nagka-award na siya bilang actor, kaya iyon ang dapat niyang panghawakan, pati na ang ugali niya ng mabuting pakikisama sa mga nakatatrabaho sa showbiz.

ChorBA!
by Melchor Bautista