Enchong Dee, ayaw tigilan ng bading issue

ADVERTISING

Enchong Dee, ayaw  tigilan ng bading issueEnchong Dee, ayaw  tigilan ng bading issueDapat sana, may show si Vina Morales kasama ang beteranong grupo na Boyfriends sa Heritage Forum, Anaheim, California nu’ng October 1, pero maraming Pinoy sa lugar na ‘yon ang nagalit dahil hindi raw umapir ang mga artists na kanilang inaasahan.

Marami na raw kasi ang nakabili ng tickets only to find out na hindi pala tuloy ang show dahil wala roon si Vina. Ang Boyfriends naman, e, du’n na naka-base pero hindi rin daw umapir.

According to our friend na naka-base sa Los Angeles, CA, although it is true na maraming Pinoy ang sumasama ang loob kay Vina dahil sa kanyang no-show pero ang totoo, e, nagka-problema raw kasi nang malaki ang producer.

For whatever reason, hindi raw nakunan ng working visa si Vina at hindi rin daw nakakuha ng liability insurance para sa venue kaya hayun, nagkapalpak-palpak na ang lahat. Kaya ang nasisisi ng mga Pinoy ticket holders ay ang kawawang artists.

We have heard a lot of this kind of story sa Tate at laging nabibiktima ang mga artists dahil sila ang nababagsakan ng sisi ng mga kababayan nating bumibili ng mga tickets kaya siguro, kailangan ding mag-doble ingat ng mga talents in negotiating with the producers sa ‘Merika para hindi nasisira ang kanilang pangalan doon.

ADVERTISING

Marami na’ng Pinoy artists ang yumaman sa kararaket sa ‘Merika dahil dollars ang kanilang kinikita sa ilang araw lang na trabaho kaya sayang naman kung masisira ang kanilang mga pangalan dahil lang sa kagagawan ng ilang mga unscrupulous concert producers doon. Kahit na itanong n’yo pa kay Ronnie Liang, na according to him, e, nagkabahay at nagka-kotse dahil sa pagso-show sa ibang bansa.

O, inuulit namin, hindi kami ang nagsabi nu’n kundi si Ronnie kaya ‘wag n’yo kaming aawayin, huh!

Naku, biglang du’n daw napunta ang usapan, je,je,je!!!

SIGURO NGA, NAPAPANAHON ang pelikulang I Do ni Enchong Dee if the premise is in saying “I do” to a would-be wife will affirm his masculinity dahil hanggang ngayon, e, hindi pa rin mawala-wala ang gender issue sa Kapamilya actor.

E, tingnan n’yo nga! Kahit na lumabas na sa pa-machong Agimat Serye at inili-link pa sa kung kani-kaninong girlet, e,hindi pa rin mawala-wala ang gay issue kay Enchong.

Hindi ba’t asar na nga ang kanyang Kuya AJ sa kabaklaang isyu, pero hanggang ngayon, e, nasa ere pa rin ‘yon at pinag-uusapan.

His current movie kasama ang kanyang on-screen partner na si Erich Gonzales is all about the preparation sa isang wedding ceremony kaya ayan, para sa mga nagdududa pa rin kay Enchong, e, puwedeng i-watch n’yo siya sa movie na ‘yon para makita kung paano niya in-emote sa kanyang role ang isang tunay na lalaking ikakasal sa napakaganda at seksing girlet.

Ang suwerte naman ni Enchong kung matitigil ang tsismis na ‘yon with this movie pero malay natin, ‘di ba? Marami naman ang naniniwala sa milagro. Sabi nga ni Tita Mercy Lejarde, insert smiley.

KUNG KAMI KAY AJ, siguro, e, dapat niyang dalhin si Enchong sa mga concerts ng girl-group na Pointen, na may dalawang Pinay at may dalawang Korean.

Why? Dahil kapag humataw ng sayaw in their short shorts ang Pointen sa saliw ng kanilang kantang Shake It, makikita niya kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang utol kapag bumuka ang mga legs ng Korean and Pinay girls.

Kasi, when we had the chance to watch their free show sa Mall of Asia, e, nakita namin ang ilang cameramen na napabuka ang mga bibig nang bumuka ang mapuputing legs ng mga girlets while dancing and gyrating pero ang katabi naming si Morly Alinio, parang napataas lang ang kilay.

Alin kaya du’n ang magiging reaksiyon ni Enchong kung sakali? Just asking lang po…

For reaction, please e-mail: mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING