Enchong Dee at Kiray Celis, naglamasan ng puwet

ADVERTISING

Enchong Dee at Kiray Celis, naglamasan ng puwet

Enchong Dee & Kiray Celis
Enchong Dee & Kiray Celis

Sa totoo lang, sa itsura pa lang ni Kiray Celis ay natatawa na ako. Feeling ganda-gandahan ang batang komedyante. Pero sa totoo lang, ang daming cutie boylets ang natutuwa sa pagiging “happy and positive” ng aura ni Kiray.

ADVERTISING

Aminado naman siya na hindi siya kagandahan tulad nina Bea Alonzo at Angel Locsin. Pero kung ano man ang nararamdama niya sa mga nagguguwapuhang boys ng Kapamilya Network, kahit pabiro ay naitatawid niya sa mga ito ang mensahe na gusto niyang iparating sa kanila.

Kaya nga sa isang eksena ni Kiray Celis sa bagong pelikula niyang “I Love You to Death” with Enchong Dee, wa siya care kung sa yakapan scene nila ng ka-partner ay napahawak siya sa puwet ng binata na in return, kahit nagulat ito ay sinabayan na rin ni Enchong ng paghawak sa puwet ng batang komedyante.

“Ewan ko kung ano ang nagyari. Napahawak ako a puwet niya. Napisil ko pa nga,” natatawang kuwento niya sa amin sa grand presscon ng pelikula last Friday na nakatakdang ipalabas come July 6 nationwide with a premiere night on July 1 (venue to follow).

ADVERTISING

Naging relax sina Kiray at Enchong sa isa’t isa. “Need kasi naming dalawa para hindi kami magkailangan. Ang hirap naman kasi na may yakapan at kung anu-anong eksena kami na magkakailangan kaming dalawa,” sabi ni Kiray.

Bukod sa pagpisil ng puwet ni Enchong Dee ay feeling boyfie na rin niya ang binata dahil kapag magkasama sila sa shooting noon at palaging hinihimas-himas ng dalaga ang braso nito, while si Enchong naman hinahayaan ni Kiray na himas-himasin ang legs niya for reasons na silang dalawa lang talaga nagkakaalaman.

Pag-amin ni Kiray na bukod kay Derek Ramsay na nakasama niya sa pelikula na crush niya, “Suwerte nga ako dahil si Enchong hindi ako tinanggihan na maka-partner sa pelikula. Crush ko siya. Ewan ko lang kung papatulan niya ako,” pabirong kuwento ni Kiray sa grupo ng isang kumpulan na nag-interbyu sa kanya.

Isa sa mga pantasya rin niya na makasama sa isang project ay si Sam Milby.

Now, sino ang nagsasabing walang “K” ang batang komedyante na makasama ang mga naguguwapuhang leading man?

Si Kiray pa. May iba siyang charm at kakenkuyan na nadidiskartehan niya sa kanyang sariling pamamaraan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING