Enchong Dee at Julia Montes: Second chance romance?

ADVERTISING

Enchong Dee at Julia Montes: Second chance romance?

Enchong Dee at Julia Montes: Second chance romance?MALAYO NA ang narating ni Enchong Dee simula nang siya ay sumabak sa showbiz. Naaalala ko pa nang maging guest ko siya sa Home Boy which was his first television appearance in 2006 although I first met Enchong when he was 13 years old.

In the past years, Enchong has proven to everyone that he is one of the most hard-working young actors of his generation. Kinakitaan siya ng talento sa pag-arte kaya naman patuloy ang pagdating ng mga magagandang projects sa kanya.

Sabi nga, when it rains, it pours. Ito ang pinatutunayan ngayon ni Enchong sa dami ng kanyang mga nakalinyang bigating projects. Enchong is one of the lead stars in the movie Four Sisters and a Wedding na mapapanood na simula June 26. In the movie, gaganap siya as CJ Salazar, the youngest brother of Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin, and Shaina Magdayao.

After playing Ethan in Ina, Kapatid, Anak ay isa na namang bagong imahe ang ipakikita ni Enchong bilang si Leon sa teleseryeng Muling Buksan ang Puso kung saan makakasama niya si Julia Montes who was once linked to him. Now that they are working together in a series, will there be a second chance in love for these two young stars?

ADVERTISING

In a previous interview, sinabi ni Enchong that they were able to settle their differences kung anuman ang nangyari sa kanila in the past. “I’m really, really happy kasi isa sa mga dahilan kung bakit kami ganito na ulit ngayon is because of Muling Buksan ang Puso. I’m thankful kasi masaya na ulit kami ni Julia. Kung ano iyong gap, iyong space na nagkaroon sa amin, wala na iyon.”

Kuwento pa niya sa The Buzz, “Sabi ko nga, sobra akong thankful kasi bago namin simulan lahat, naging maayos. Nakapag-usap kami. We are very much okay.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING