Empress Schuck, ‘di na kuntento bilang Kapamilya

ADVERTISING

Empress Schuck, ‘di na kuntento bilang Kapamilya

Empress-SchuckTILA HINDI na kuntento si Empress Shuck sa estado niya sa Kapamilya Network. Inaangal niya sa isang kaibigang writer na ang tagal nang waiting niya for the “big break” na ipinangako sa kanya.

Sa katunayan, matatapos na sa March ang kontrata niya sa ABS-CBN at kung hindi ako nagkakamali, pati sa Star Magic, kung saan under management siya ay magtatapos na rin.

Balita naming lilipat siya sa istasyon ng telebisyon na pag-aari ni MVP kung sakaling walang pag-uusapan.

Kung alam lang sana ni Empress kung gaano katagal ang hinintay ni Bea Alonzo na itinatago lang ng Star Magic at ABS-CBN bago siya naging Bea Alonzo.

ADVERTISING

Kung hindi ka magtitiyaga at masyado kang nagmamadali, baka sa bandang huli ay magsisi ka.

Ang last teleserye na nilabasan ni Empress, Apoy sa Dagat na ipinalabas last year na pinagbibidahan ni Piolo Pascual.

 

ALIW ANG respetadong abogado na si Atty. Raymond Fortun nang mag-guest siya sa Gandang Gabi Vice last Sunday.

Aliw ako sa playtime ni Vice sa kanya. Pero mas naaliw ako kay Atorni na may sikreto na ibinunyag na una ko lang nasaksihan nang mapanood ko siya na nakikipag-laro kay Vice.

Actually, nagdududa na ako, Atorni sa ‘yo. Kering-keri mo ang beki talk with style and ease. Hahaha!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING