Ely Buendia on former Eraserheads bandmates: ‘We were never friends. That’s why we broke up’

HALOS dalawang dekada na ang nagdaan nang maghiwa-hiwalay ng landas ang mga miyembro ng bandang ‘Eraserheads’, na maituturing na isa sa iconic rock band ng bansa na minahal ng mga tagahanga lalo na noong late 90’s. Hindi maikakaila na may sentimental connection ang mga Pinoy sa mga kantang nilikha nina Buddy Zabala, Raimund Marasigan, Marcus Adoro at ‘syempre, si Ely Buendia.

Marami ang nalungkot nang nilisan ng frontman na si Ely ang grupo noong 2002. Ito rin ang dahilan kung bakit ‘big deal’ para loyal fans ang kanilang one-time reunion na mas naging unforgettable dahil sa mga nangyari prior and during the concert.

Ely Buendia on former Eraserheads bandmates: 'We were never friends. That's why we broke up'
Eraserheads / Ely Buendia

Ang kantang ‘Minsan’ ay isa sa mga fan favorites na madalas na kinakanta pa rin sa mga videoke sessions. Ang akala ng nakararami ay tungkol ito sa pagkakaibigan ng E-heads members.

Sa pamamagitan ng podcast episode ng Wake Up with Jim & Saab ay inamin ni Ely ang buong katotohanan sa likod ng nasabing kanta.

“It’s one of those songs, like I said, there are some songs na when you mature as a song writer, there are lyrics na medyo cringe-worthy… I’m sorry,”

“It’s not a specific line but the whole sentimentality of it [that’s] cringey… I was kinda sick of fans saying na ‘you’re friends. You shouldn’t have broken up.’ They made us feel bad about it,” sambit niya na “everything points to that song”.

“That’s what they reference all the time but what fans didn’t know, what the public didn’t know is that…”

“I don’t wanna break hearts again but we were never close. We were never friends. That’s why we broke up,” pag-amin niya.

Dagdag pa niya, “We weren’t Itchyworms. We weren’t Parokya ni Edgar. But you know, it was good while it lasted. We had a very, very good working relationship. It’s just that, I don’t like it when people say that. It’s just a wrong way to go in terms of how the dynamics [were] within the band,”

Isa sa patunay na totoo ang sinasabi ni Ely ay ang pagbahagi ng podcast host na si Jim Baccaro na nabigla diumano ito sa isang rebelasyon noon ng rockstar.

“I remember nagulat ako when you said parang ‘never kayo nag-inuman nang wala lang”, gulat na ibinahagi ni Baccaro.

“That song is actually about my actual friends. The friends that were with me during my stay at Kalayaan,” he said, referring to the iconic student dormitory where University of the Philippines students would stay on their first year.

“It wasn’t about the Eraserheads. It was about my friends,” muling pag-amin ni Ely.

Dahil sa rebelasyon niya ng totoong istorya sa likod ng ‘Minsan’ ay may mixed reactions ang fans. May ilan na tanggap na ang kuwentong ito, habang ang iba ay nasaktan pa rin.

Sa kanyang Twitter account ay nagbigay muli ng pahayag si Ely.

“Big deal, still? Why hate on people who want to tell the truth? I didn’t ask to be interviewed, nanahimik na nga ko dito eh living a happy life kayo yung makulit about the eheads. The music is all that matters, have you forgotten about that, and who wrote most of it? Just sayin’”.

Well, hayaan na natin ang nakaraan. Manood na lang tayo ng ‘Friends’ reunion ngayon! He-he-he!