Ely Buendia, may bagong babae?! – Gorgy’s Park

Ely Buendia, may bagong babae?! – Gorgy’s ParkNAGKAROON NG SHOW ang Pupil band ni Ely Buendia sa Magnet bar nu’ng nakaraang linggo at nakunan ito ng Startalk.

Nakunan din ng Startalk na may ibang babae nang kasama si Ely at mukhang sweet sila kahit nandu’n si Diane Ventura, ang dating nakarelasyon ng naturang singer.

Bago isinalang ang bandang Pupil, umalis daw sandali si Diane at lumipat ng ibang bar dahil meron din yata siyang mina-manage doon na ibang banda.

Doon na raw nakita itong girl na medyo sweet nga kay Ely. Kaya mukhang may kanya-kanya na nga silang dyowa pagkatapos nilang maghiwalay.

Si Ely ay hindi sumasagot kapag mga personal na isyu na ang tinatanong.

Si Diane naman ay safe lang ang sagot pagdating sa relasyon nilang dalawa.

Nandiyan pa rin naman daw ang talent-manager relationship nila at siyempre mananatiling magulang daw sila ng nag-iisa nilang anak.

“Ely will always be my partner in everything we do. We have the utmost respect for each other and we’re the best of friends,” pahayag nito.

“We’re still working together and it’s something that we plan to do for as long as we can, and we’re going to work hard so it’s going to work,” patuloy nito.

May isang event din dati na nakunan ng Startalk na ibang lalaking kasama si Diane kaya mukhang okay lang sa kanilang dalawa at tanggap na nilang may kanya-kanya na silang relasyon.

Okay rin naman pala iyun. At least na-maintain naman ang friendship kahit hiwalay na sila bilang mag-asawa.

Meron palang pinghahandaang malaking show ang Pupil sa darating na November at special guest daw rito ang Eraserheads.

DJ Mo at Rufa Mae Quinto, nag-deadmahan

DUMAAN KAMI SA studio ng Showbiz Central nu’ng nakaraang Linggo at nakatsikahan namin doon si Rufa Mae Quinto na sa labas lang ng dressing room nakatambay dahil nasa loob si DJ Mo Twister.

Dedmahan pa rin sila at mukhang lalong lumalalim ang hidwaan nilang dalawa.

Sabi naman ni P-chi, hindi pa nangyari itong huling pinag-awayan nila, hindi naman daw sila tsika. Hindi naman daw sila ganu’n na ka-close pero kahit pa’no nag-uusap sila.

Pero ngayon, mukhang malala na at sabi nga ni Rufa Mae, malabo na silang magkaayos dahil paulit-ulit lang daw iyon at nakikita namang wala na raw respeto si DJ Mo sa kanya.

By Gorgy’s Park