Elsa Droga, iniintriga na pera lang ang habol ng boyfriend

ADVERTISING

Elsa Droga, iniintriga na pera lang ang habol ng boyfriend

Elsa Droga, iniintriga na pera lang ang habol ng boyfriend
Elsa Droga and Charles Daniel

SA TONIGHT with Boy Abunda show ni Kuya Boy ay guest si Elsa Droga Mendoza. Isa siya sa mga candidate na agaw pansin sa audience at interviewers sa nakaraang baklaang pa-contest sa isang noontime show.

Nakakaaliw si Elsa. Iba rin ang klase ng pagpapatawa niya.

Masaya si Elsa on cam. Funny face siya kapag pinaglaruan na niya ang kanyang mukha at smile.

Sa kabila ng pagpapatawa niya para mapasigla ang audience niya, may hugot din pala si Elsa.

ADVERTISING
Elsa Droga, iniintriga na pera lang ang habol ng boyfriend
Elsa Droga and boyfriend Charles Daniel

Last week, ibinahagi niya ang kuwento tungkol sa lola niya. Habilin sa kanya: “Ingatan mo ang sarili mo. Yung mga bagay na tinuro ko sa ’yo, galingan mo lang and sana bago ako mawala, maging maganda na at maayos na ang buhay mo.” kuwento ni Elsa na ang lahat ng mga ginagawa niya ay para sa pamilya niya.

Sa biglang pagsikat niya at pagiging komikera na nagpapasaya sa madlang pipol ay naiintriga ngayon ang beks.

Sa kabila ng masayang lovelife niya sa boyfie na si Charles Daniel, hindi nakaligtas si Elsa sa showbiz tsismis at intriga na diumano ay ginagamit lang siya nng boyfie. Pini-perahan at kung anu-ano.

Pero dinepensahan niya ang boyfie: “Nakilala ko si Charles Daniel, parehas kaming mahirap. Wala kaming pera. Kumukuha lang kami ng pera sa mga contest lang din. So siya pa yung gumagawa ng paraan. Siya yung nagmu-music sa akin, nag-aasikaso, nag-aalalay, siya lahat. Kaya sa lahat po ng nagsasalita ng masama kay Daniel, hindi po totoong pineperahan lang niya ako.”

Well said, contestant Elsa. Wagi ka girl. Thank you!

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING