Elmo Magalona, tumangging makasama si Julie Anne San Jose

Elmo Magalona, tumangging makasama si Julie Anne San Jose

Julie-Anne-San-Jose-Elmo-MagalonaDISYAMADO RAW si Julie Anne San Jose sa pagtanggi ni Elmo Magalona na makasama sa Hologram concert nito sa MOA Arena on December 13. Dahil sa pagtanggi, humagulgol daw si Julie Anne habang nagre-rehearse ng kanta para sa kanyang concert.

Nang makarating naman ito sa singer/TV host ay nagulat at ikinatawa na lang, dahil wala raw katotohanang humagulgol siya dahil tinanggihan siyang makasama ng dating ka-loveteam na si Elmo.

Ayon kay Julie Anne, talaga raw hindi puwede si Elmo sa araw mismo ng concert dahil may prior commitment daw ang huli. Okey naman daw sila ni Elmo, ‘yung nga lang ay madalang na silang magkita at magkausap.

Sa isyu naman na ikinagulat daw niya na magdyowa na sina Elmo at Janine Gutierrez, hindi raw siya nagulat at the same time ay out na raw siya sa anumang mayroon ngayon ang dalawa.

Ang pinagtutuunan niya ngayon ng pansin ay ang nalalapit na concert sa MOA Arena dahil first time siyang magko-concert sa isang malaking venue.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo