Elmo Magalona, sinulit ang first time sa Japan

ADVERTISING

Elmo Magalona, sinulit ang first time sa Japan

Elmo-MagalonaFIRST TIME makapunta sa Japan ni Elmo Magalona at ang buong pamilya niya. Kaya naman isinulit umano nila nang husto ang maikling bakasyon nila roon.

“Masaya. Sumabay sa panahon na cherry blossom na nagbu-bloom ‘yong mga sakura (flowers) doon,” masayang kuwento nga ng aktor.

At doon na rin nga itinaon ang pagpu-propose sa sister niyang si Saab ng boyfriend nitong si Jim. Na ikinasorpresa nga raw ng buong Magalona family.

“Actually, sobra akong natutuwa para sa kanya. At no’n ngang nalaman ko ro’n na na may mag-i-engage na at may magpu-propose sa kapatid ko parang… ang tanda na pala nila!” natawang sabi pa ni Elmo.

ADVERTISING

“Dati, kasama ko lang sila sa bahay. Ngayon, magsisimula na sila ng bagong pamilya. So ako, parang… kasi madalas sa pamilya namin puro kulitan lagi. Pero when it comes to like… these things na medyo seryoso naman, ako, sobrang natutuwa ako kapag may nangyayaring gano’n sa family.

“Bago ‘yong proposal, si Jim… lumapit muna siya kay Mom (Pia Magalona). Tapos nag-usap daw sila na… mahabang usapan. And… ‘yon! Sabi nga ni Saab, parang may feling daw siya na… mangyayari ‘yon. Hindi lang daw niya alam kung kelan. Or kung sa paanong paraan mangyayari ‘yon. And ako, hanga rin ako kay Jim. Because parang ipinakita niya rin talaga how important is Saab to him. Na gusto niya talaga, in the near future… magsisimula siya ng future with her. And that makes me happy na nakahanap ng gano’n si Saab.”

Sa orihinal na plano, dapat daw ay sina Maxene at Saab lang daw ang magbabakasyon sa Japan. Biglang naging kasama na ang buong pamilya.

“Kasi ando’n na ‘yong opportunity, eh. Na… pupunta sa Japan. So, why not? And hindi naman nakasagabal sa work masyado. Because ‘yong pag-leave ko naman, wala namang natamaang taping day para sa akin.

“So far, ito ang most memorable travel for me. Because kahit ilang beses akong kumain doon, hindi ako nag-gain ng weight. Kasi sobra-sobrang lakad. Do’n kami nag-ikut-ikot sa Tokyo. Nagpunta kami sa farm kung nasaan nga ‘yong cherry blossoms. Tapos tumikim kami ng iba’t ibang ramen. ‘Yong curry at saka ‘yong katsudon… mga gano’n. Ang dami naming napasyalan. Sinulit naming ‘yong buong Japan trip.”

Ano ang kanyang pasalubong sa napapabalitang girlfriend na nga niyang si Janine Gutierrez na leading lady niya sa Villa Quintana?

“Sana nga… cherry blossom,” nangiting sagot ni Elmo. “Pero bawal, eh. Bawal magdala no’n dito. Hindi siya katulad ng sampaguita na puwede kang kumuha o pumitas nang gano’n.”

Mula nang lumabas ang isyung nagkakamabutihan na sina Elmo magalona at ang leading lady niya sa Villa Quintana na si Janine Gutierrez, balitang mas lalong dumami ang bashers ng young actress.

Marami raw kasi sa mga tagasuporta ng dating loveteam nina Elmo at Julie Anne San Jose ang hanggang sa ngayon ay hindi pa rin bumibitaw sa pagnanais na muling pagtambalin pa rin ang dalawa.

“Naririnig ko rin nga po ang tungkol do’n,” aniya. “Sana walang mga gano’n. Because kami naman, wala kaming pinu-promote na mga away-away. Hindi gano’n ang gusto naming mangyari. Ayaw namin ng mga away-away.”

Narinig na ba niyang umangal si Janine tungkol dito?

“Hindi naman, eh. Aware lang siya na may gano’n pero hindi naman siya nagpapaapekto. Sana hind maging personal kung anuman ‘yong mga nararamdaman nila,” pagtukoy ni Elmo sa mga fans na napapabalitang ayaw kay Janine para sa kanya.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING