Elmo Magalona, may daring scene sa isang pelikula

ADVERTISING

Elmo Magalona, may daring scene sa isang pelikula

Elmo-MagalonaNAKAUSAP NAMIN kahapon ang ilang talent ng GMA Artist Center sa 17th floor ng GMA Network na sina Elmo Magalona, Enzo Pineda, Ken Chan, Miggs Cuaderno, Julian Trono at latest talent nila na si Coleen Borgonia na kaga-graduate lang sa La Salle Taft.

ADVERTISING

Ayon kay Elmo, first time siyang gagawa ng pelikula na daring matatawag dahil magkakaroon sila ng kissing at love scene ng TV5 teenstar na si Sophie Albert sa #Y

When ask kung gaano ka-daring ang mga pinaggagawa nila ni Sophie at iba pang kasamang teenstar sa movie?

“Kung panonoorin ninyo, talagang mag-iisip kayo ng kakaiba at first time namin sa buong cast na ginawa ang mga daring scene. May eksena kami ni Sophie na tatanggalin ko ang bra niya at …‘yang mga ganyan, kasi sa role ay first time namin ‘yun,” say ni Elmo.

ADVERTISING

Ask kung papayagan pa niyang mapanood ito ni Janine Gutierrez na balitang girlfriend niya ngayon?

“Puwede rin, takpan na lang niya ang mata kapag daring scene na ang eksena,” nakangiting say pa ni Elmo.

Kahit baguhan at first time lang daw ni Coleen na humarap sa press, may sense ang bawat bitiwan nitong pahayag sa mga sagot sa tanong sa kanya ng press.

Si Coleen naman ang kapartner ni Ken Chan sa 1st ko si 3rd, a movie about a woman who sees her first love eye to eye again, after more than a decade.

Seksi at ganap nang dalaga si Coleen. At 20 years old, wala pa rin daw siyang boyfriend dahil naka-focus daw siya sa career. Dati raw siyang nagkaroon ng boyfriend noon teenager pero naglaho rin dahil mga bata pa raw sila.

Super crush naman niya si Alden Richards dahil mabait at magaling na actor. At okey rin daw si Aljur Abrenica, pero tila malabo na raw mangyari dahil may problema itong kinakaharap ngayon sa GMA 7.

Tinanong ko siya kung ano ang mapapayo niya kay Aljur?

“Huwag niyang (Aljur) kalilimutan sana kung saan siya galing. Kung sa tingin naman niya na makabubuti sa kanya, go. Pero sana kahit nasa ibang network ka na, huwag kalimutan ang mga taong nakatulong sa ‘yo,” payo ni Coleen kay Aljur.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING