Elmo Magalona, mas timplado kay Janine Gutierrez

ADVERTISING

Elmo Magalona, mas timplado kay Janine Gutierrez

Janine-Gutierrez-Elmo-MagalonaDALAWANG BAGONG teleserye ang magsisimula mamayang gabi. Una na nga ay ang kina N-Lex and not to forget ay ang muling pagtatambal nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Nagsimula ang tambalan ng dalawa sa Villa Quintana na nauwi sa totohanan.

Kaya nga after na matanggap ng televiewers ang loveteam nina Elmo at Janine, hindi na rin nagdalawang-isip ang Kapuso Network na muli ay pagsamahin sila sa isang light romance-comedy via “More Than Words” na mapapanood mamaya after 24 Oras.

Nag-click kasi ang loveteam nila compare sa unang ka-loveteam ni Elmo na si Julie Anne San Jose. Dahil nagustuhan ng teleserye viewers ang binata ng namayapang kaibigang Francis M at ang kaparehang si Janine (na dalaga naman nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon), na-hit din ng Kapuso Network ang tamang timpla kung kanino dapat ipareha si Elmo.

ADVERTISING

At least this time, may shade of truth ang loveteam nina Elmo at Janine the fact na aminado sila pareho that they play beautiful music at hindi lang pang-showbiz ang loveteam. At least sa tambalan ng dalawa, hindi ito pilit at may katotohanan kumpara sa katambal noon ni Elmo na si Julie Ann na alam mong malayo sa katotohanan.

Kahit papaano, the “real feelings and real romance” ng dalawa ay nakatutulong para maging maganda ang timpla ng tambalan nina Elmo at Janine.

Actually, para sa akin, mas maganda nga yata ang timpla nina Elmo at Janine kumpara sa naunang ka-loveteam ng binata.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING